5,289 guests

Showbiz couple, matagal nang hiwalay

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 656

Parang totoong break na ang isang showbiz couple na seven years na yata ang relasyon. 

Wala na kaming nakikitang pictures nila na magkasama sa kani-kanyang social media account.
Panay solo picture na lang o kaya’y with their respective friends ang aming nakikita.

Ang tsika, bago pa ang showing ng pelikula ng couple, break na sila.
    
Hindi nga lang nausisa ng mga reporter sa presscon ng movie dahil hindi pa alam that time na
tinapos na nila ang kanilang relasyon.
    
Ang breakup daw ang rason kung bakit naiyak ang dalawa nang tanungin sa maganda nilang love
story.         
    
Dahil sa tsikang ito, marami ang gustong makausap ang couple para lang malaman kung totoong
“ex-couple” na ang status nila.
    
Kung totoo, marami ang manghihinayang dahil maganda ang love story nila at nagtagal ang
kanilang relasyon.
    
Umaasa pa rin ang mga reporter na nakakakilala sa dalawa na mali ang balita.

* * *

Ang The One That Got Away daw ang papalit sa My Korean Jagiya. Dahil sa January 2018 pa ang airing ng
TOTGA, ibig bang sabihin, extended ang My Korean Jagiya nina Heart Evangelista at Alexander Lee?
    
Maganda ang rating at positive ang feedback sa series. Kung nagpapakilig sina Heart at
Alexander, pinatatawa naman nina Ricky Davao, Raymart Santiago, Myke Salomon, Janice de Belen at buong
cast ang viewers.
    
Nakakaloka ang mga eksena nina Ricky at Janice na nag-aagawan kay Raymart, pero sabi ni Ricky,
namamaos siya after every taping dahil sigaw siya nang sigaw. Si Janice naman, ngayon lang
nag-all-out comedy. Kaya pala niya.
    
Dahil nangangamoy extended, ibig bang sabihin, tuloy ang unang plano na sa Korea kukunan ang
ending ng series? 

* * *

Wanted at gustong makausap ng mga reporter si Philipp So, ang cinematographer ng Regal Multi Media,
Inc. release na This Time I’ll Be Sweeter.
    
Ang cinematography ng movie nina Barbie Forteza at Ken Chan, sa direction ni Joel Lamangan, ang
unang napansin sa trailer.

Ang cinematography din ang isa sa mga rason kung bakit nadagdagan ang gustong manood sa
pelikulang showing sa November 8.
    
’Katuwa ang narinig naming comment na dahil sa malinis at magandang cinematography ng This Time
I’ll Be Sweeter, hindi nakita ang pores at mga marka sa mukha ng cast.
    
May promo rin ang Regal, ang kanilang Hugot Contest, kung saan mamimigay ng tiket sa premiere
night sa November 7.
    
Ang mga gustong sumali, mag-log on lang sa Regal Facebook, Twitter at Instagram accounts for
the mechanics. Pagandahan ng Hugot lines ito, sali na!