Short film ni Atty. Joji, wagi sa Pyongyang filmfest

September 29, 2018
Joji Alonso
Atty. Joji & ‘Belle Douleur’ cast

Wagi ng Best Short Film ang directorial debut ng Quantum Films’ producer na si Atty. Joji Alonso na Last Order sa katatapos na 16th Pyongyang International Film Festival (PIFF) sa Pyongyang, North Korea.

Sa post ni Atty. Joji sa kanyang official Facebook (FB) page, aniya, “I can hardly breathe! What was meant to be just a [‘sige na, get it done and move on’] plan, was just gifted with such something special. Nobody made it to Pyongyang because my producer, Ferdy Lapuz, had to rest in the hospital. While I had to start work on my full feature film.”

Pagpapatuloy niya, “Who would ever imagine that a small dream would receive the Best Short Film plum in North Korea?! Thank you Team Last Order for joining me and taking the ride. Thank you Ricky Lee and Jeffrey Jeturian for helping me with my script and to Kristin Parreño Barrameda for writing a simple yet beautiful narrative.”

Hindi rin nakaligtaang pasalamatan ni Atty. Joji ang iba pang production staff at ilang kaibigang nakasama niya sa kanyang journey bilang isang baguhang direktor.

Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa cast ng Last Order, “for bearing the load with me.” Ang award-winning short film ay pinagbibidahan ni Nico Antonio at kasama rin sa project sina Joel Saracho, Matt Daclan, Natileigh Marie Therese Sitoy, Raul Morit, Jess Evardone, Eddie Ngo, Sarah Pagcaliwagan Brakensiek, Christoffer Allan Liquigan at Alberto Bruno.

Sa huli, wika pa niya, “Thank you universe for allowing some crazy dreams to come true!!!”

Pagkatapos ng Pyongyang, lilipad naman ang Last Order sa Busan International Film Festival (BIFF) bilang bahagi ng short films exhibition section.

Sa ngayon, busy na si Atty. Joji, (or should we say, Direk Joji) sa kanyang first full-length film na Belle Douleur na isa sa official entries ng Cinemalaya 2019 at bilang producer ng Quantum Films ay inaasikaso rin niya ang post-production works ng The Girl In The Orange Dress, topbilled by Jericho Rosales at Jessy Mendiola, para sa Metro Manila Film Festival 2018 this December.