5,497 guests

Sharon-Robin movie, naurong ang syuting

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 510

Sa isa sa mga Instagram post ni Sharon Cuneta recently ay ipinaalam niyang naurong ang pagsisimula nila
ng shooting ng reunion movie nila ni Robin Padilla under Star Cinema dahil aniya ay may ginagawa pa raw
ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.

Dapat sana’y ngayong September na nila sisimulan ang shooting pero naging October na raw ito.
    
“My director is wrapping up her other movie and while she is, I’m trying to lose a little more
weight and will continue dieting even while Robin and I are filming.
    
“Shooting 2nd week of October na po and as far as I know we are still showing in November.
Chill, everyone.
    
“This is how showbiz works. We all have the best intentions but sometimes nagbabago lang talaga
ang scheds. Relax lang please ’yung mga sobrang demanding. Hahaha! Tao rin lang po kami. Okaaaaaay?!!”
ang post ni Megastar.
    
Matatandaang dapat ay early this year pa nasimulan ni Shawie ang comeback movie niya sa Star
Cinema. And that time, si Gabby Concepcion pa ang leading man niya. Reunion movie sana nila ito after so
many years. Pero tumanggi nga si Gabby at naiba na ang lahat ng plano.
    
Months after, inanunsyo ni Shawie na tuloy na tuloy na ang movie niya at magsisimula na silang
mag-shooting ng September. Hanggang sa inanunsyo na nga rin niyang si Binoe na ang kanyang leading man.

* * *

Masayang-masaya si Aiko Melendez sa magagandang biyayang dumarating ngayon sa kanya especially sa
kanyang career, both in TV and movies.
    
Sa TV, puring-puri ng manonood ang pagganap niya bilang Emilia sa Wildflower sa ABS-CBN
topbilled by Maja Salvador. Consistent top-rater din ang nasabing serye.
    
Sa pelikula ay may dalawa na siyang natapos -- ang New Generation Heroes mula sa pamamahala ni
Direk Anthony Hernandez, at ang Balatkayo ng BG Productions International ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan na
tinatampukan din nina Polo Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera, James Robert at iba pa.
    
“Masayang-masaya po, kasi ang work is always a blessing. Lalo na at both sa TV and movies ay may
mga blessing na dumarating sa atin. I’m very happy na unti-unti, Jesus is blessing me and nadinig Niya
po ang prayers ko,” pahayag ni Aiko.
    
Sa New Generation Heroes ay gumaganap ang aktres bilang isang guro na kailangang mangibang bansa
para sa kanyang pamilya.
    
“I played the role of Cora Tolentino here, who happens to be a mom. In real life, I am a mother
of two also, of Andre and Martina. And as a mother, you will do everything for your kids. You want to
give them the best, the future that they deserve.
    
“The reason why she worked abroad, was to give her family the best of everything. But
apparently, along the way, her best wasn’t good enough for one of her kids.”
    
Dagdag pa ni Aiko, “Ang New Generation Heroes po ay dedicated sa mga guro na OFW na buong sipag
na nagtatrabaho, kahit na mapalayo pa sila sa kanilang sariling family.
    
“Ipakikita rin sa movie kung gaano talaga ka-important ang oras na dapat mong ibigay sa iyong
family. At minsan, na ang pagsisisi ay talagang nasa huli.
    
“So, matututunan dito ng viewers na hindi lang pala lahat ay pera ang sagot sa lahat ng
problema. Hindi rin lang pala na porke’t marami kang pera at nabibigay mo ang mga needs nila materially,
hindi pala enough iyon.
    
“Dapat ay iba pa rin na nandoon iyong pagmamahal mo, iyong paggabay mo sa kanila. Kasi, ang love
is to be nurtured, hindi ba? So kailangan, constantly na i-assure mo ’yung kids mo of your love and your
attention.
    
“That’s why I encourage everyone, specially the teachers and the students to watch this movie,
kasi marami silang matutunan na aral. Matututunan nila na hindi sa lahat ng pagkakamali ay hindi ka na
magkakaroon ng tsansa na bumangon. Na ang buhay is about you know, when you fall down seven times, you
get up eight times,” mahabang saad pa ng aktres.
    
Ang New Generation Heroes ay isang advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to
proper education, pagpapahalaga sa mga guro at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo.
    
Ito ay base sa tunay na pangyayari at ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea. Bukod kay Aiko,
tampok dito sina Ms. Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi,
Aleera Montalla, Rob Sy at JM Del Rosario.
    
Showing na sa Oct. 4 ang New Generation Heroes kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day.
Premiere night naman nito sa Sept. 29 sa SM Megamall Cinema 7 at 6 p.m.