6,449

Sharon, OA ang emote sa pag-alis ni Frankie

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 462
 Sharon Cuneta & Frankie Pangilinan Sharon Cuneta & Frankie Pangilinan

EMOTE kung emote si Sharon Cuneta nang magpaalam sa kanya ang anak na si Frankie na bibiyahe sa ibang bansa.

Binisita ni Frankie ang ina sa last shooting day nito ng isang endorsement bago umalis at sa pic nilang mag-ina sa Instagram, umarya muli ang pagiging mother ni Mega.

“Frankie came to my set because she was leaving very early the next morning. I cried in between these photos, because my Frankie was flying to another time zone, and I am really uncomfortable with the thought of that,” bahagi ng caption ni Shawie sa IG niya.

Alam naman ng megastar na magiging safe ang anak dahil titira siya sa isang Tita Norma dahil nakatira ito sa isang “secure, gated neighborhood in the Hills.”

Sa IG story ni Sharon, todo ang paalala sa anak na huwag makipag-usap sa strangers at alalahanin ang pelikulang Taken.

“I guess what I miss most about my Kakie is that she is the only one among my four ‘gremlins’ who make me ‘po’ and ‘opo’ a million times in a conversation... calls me ‘Mama ko’ and always, always takes a few minutes every day to lie down with me, sit beside me, and we hug ang say ‘I love you’ to each other over and over again...,” bahagi pa ng caption ng megastar.

Siyempre, OA kung OA ang puwedeng sabihin kay Shawie pero ganyan siya sa mga anak niya.

“Patay na patay ako sa mga anak ko eh sorry!!!!” rason ni Shawie.

Bukod sa pagiging doting mother, pinaghahandaan din ni Sharon ang kanyang 40th anniversary concert sa Araneta Coliseum sa September 28 at available na ang tickets sa Ticketnet.

* * *

CLASSIC talaga ang ginawang performance ni Kylie Alcantara nang mag-guest siya sa opening ng isang supermarket sa Pampanga.

Sa dami ng taong dumagsa sa venue at nagsuguran sa malapit sa stage, kinailangan niyang umakyat sa escalator at doon na nag-perform, huh!

Of course, ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Kyline ay dahil sa milyon niyang followers sa social media at ang malaking exposure niya sa Kapuso primetime series na Kambal, Karibal.

Naku, bago nakamit ng Kapuso actress ang tagumpay bilang artista, alamin ang pinagdaanan niyang hirap bago mapasok sa showbiz dahil ang kanyang life story ang mapapanood ngayong gabi sa Magpakailanman kung saan siya rin ang lalabas as herself.