5,829

... Sharon-Gabby fans, hopia pa rin sa reunion movie

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 383

KUNG nung late 70’s to mid-80’s ay sina Janice de Belen at ang yumaong si Julie Vega ang mga prinsesa ng teleserye sa pamamagitan ng kanilang respective hit afternoon TV series na “Flordeluna” at “Anna Liza,” sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto naman ang nagreyna nung dekada nubenta.

Bumilang ng halos limang taon sa ere ang “Mara Clara” na tinampukan nina Judy Ann at Gladys Reyes (1992-1997) habang ang “Mula sa Puso” na tinampukan ng loveteam noon nina Claudine at Rico Yan ay tumagal naman ng almost two years (1997-1999).  “Mara Clara” was remade in 2010 hanggang 2011 na tinampukan naman nina Kathryn Bernardo at Julia Montes, dalawa sa major young stars sa kasalukuyang henerasyon.

Never pang nagsama sa isang proyekto sina Juday at Claudine  kaya marami ang nai-excite kung matutuloy ang plano ng Star Cinema na pagsamahin ang dalawa kasama “Mara Clara” co-star ni Juday na si Gladys.

Sina Juday at Claudine ay parehong dumalo sa renewal of vows wedding ng mag-asawang Gladys at Christopher Roxas last  January 23, 2018 sa Tagaytay at doon muli nabuhay ang idea na pagsamahin sa isang movie project sina Juday, Claudine at Gladys.

Casting coup na maituturing kapag natuloy ang pagsasama sa isang pelikula sina Juday, Claudine at Gladys  under Star Cinema at magandang pang-Mother’s Day presentation.  Ito rin bale ang magsisilbing movie comeback ni Claudine na matagal-tagal na ring panahong hindi gumagawa ng pelikula.

THE UNTOLD STORY BEHIND 'BAGETS'   

IT was only recently nang malaman namin ang kuwento ng  proyektong 1984 hit movie na “Bagets” which was written by the late Jake Tordesillas and directed by the late Maryo J. de los Reyes for Viva Films.
    
The movie project “Bagets” was a concept ng yumaong Regal line-producer and talent manager na si Douglas Quijano.  Ayon sa aming source, Douglas pitched the concept sa Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde with one of Douglas’ wards na si William Martinez as one of the leads with the late Ishmael Bernal to direct the movie.          Pero ang concept ay tinanggihan umano  ni Mother Lily kaya dinala ni Douglas ang konsepto sa Viva Films na agad naibigan ng mag-asawang Vic del Rosario at Mina Aragon na agad binuo ang proyekto with William Martinez still part of the movie at isinama sina Aga Muhlach, Herbert Bautista, J.C. Bonnin at Raymond Lauchengco sa cast at inatasan si Direk Maryo J. to direct the movie na naging box office hit  in 1985. Naging trendsetter ito kaya on same year ay nagkaroon ito ng follow-up movie na “Bagets 2” na muling tinampukan nina William,  J.C., Herbert at Raymond minus Aga.  Isinama naman sa “Bagets 2” ang yumaong si Francis Magalona (bilang kapalit ni Aga).  Nakasama rin sa nasabin
g pelikula sina Ramon Christopher Gutierrez, ang yumaong si Jon Hernandez  (anak ni Alicia Alonzo at half-brother ng Kapamilya actress-singer-dancer na si Maja Salvador), Eula Valdez, Cheska Inigo, Monette Rivera.
    
The rest, as they say, is history.
    
Samantala, inamin ng mga nasa likod ng pelikulang ‘Squad Goals: #FBOIS" ng Viva Films na inspired ang kanilang proyekto ng pelikulang 'Bagets.' Tampok sa pelikulang ito na dinirek ni Mark Meily sina Julian Trono, Vitto Marquez, Jack Reid, Andrew Muhlach at Dan Hushcka.