Sharon concert may repeat?

September 29, 2018
Sharon Cuneta

May tanong si Sharon Cuneta sa kanyang fans na idinaan sa Instagram (IG).

“So guys... my Team Mega... They tell me that there were too many people who were calling and trying to buy tickets even at Araneta at the last minute... They are trying to convince me to do a REPEAT! What do YOU think?!”

Successful ang balik-Araneta Coliseum ni Sharon at kung sa last concert niya ay kulang sa tao, sa katatapos na concert, puno ang venue. Ang ganda ng concert, all ages ang nakita naming nanood.

Nanood sina Maricel Soriano, Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Cherie Gil, Judy Ann Santos, Mommy Carol, QC Mayor Herbert Bautista at marami pang iba.

Guests sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, KC Concepcion, Richard Gomez, Martin Nievera, Gary Valenciano at Basil Valdez. Surprise guest si Regine Velasquez at in-announce ni Sharon na next year, may gagawin sila ni Regine na inisip agad na concert ang gagawin nilang dalawa.