5,114 guests

Sharon, Alden at Piolo, importante ang ganap sa Ai-Ai-Gerald wedding

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 748
Ai-Ai delas Alas Ai-Ai delas Alas

Sa interbyu namin kay Ai-Ai delas Alas sa presscon ng latest movie niyang Bes and the Beshies ay nakiusap siya na kung maaari ay huwag na naming pangalanan ang simbahang pagda-dausan ng kasal nila ng fiancé na si Gerald Sibayan on December 12.

“Kasi siyempre, baka ang dami-daming tao do’n, ’di ba? Eh, wala namang security-security, wala pa naman akong kinukuha. Pero sabi nila kumuha daw ako kasi ang dami-daming artistang kasama,”  pahayag ng Comedy Queen.

300 daw ang ini-expect niyang bisita sa church wedding at siyempre, marami do’n ay mga kaibigan niya sa showbiz na malaki rin ang magiging part sa kanyang kasal.

“Sa mga artista, Matron of Honor si Mega (Sharon Cuneta). Tapos si Bayani Agbayani, Ogie Alcasid at si Ate Regine (Velasquez) ando’n din.

“Si Rufa Mae (Quinto), saka si Jose (Manalo). Si Pops Fernandez, saka si Papa P (Piolo Pascual). Yes, abay ko si Papa P.
    
“Kasama din sina Randy Santiago at asawa niya. Jerald Napoles at Valeen (Montenegro). Si Eugene Domingo, si Barbie (Forteza). Sila ang mga Brides Maids at  Groom’s Men,”  kuwento niya.
    
Base sa rough draft ng invitation ni Ai-Ai, ang anak na si Sancho (delas Alas) at Alden Richards ang kanilang  Best Men.
    
Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa Candle at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera naman sa Veil.   
    
Kabilang naman sa principal sponsors (ninong at ninang) ng Sibayan-Delas Alas Nuptials ay sina  Boy Abunda, Cory Vidanes, Willie Revillame, Chavit Singson, Antonio Tuviera, Cong. Vilma Santos, Lily Monteverde, Lolit Solis, among others.
    
Sa Europe piniling mag-honeymoon nina Ai-Ai at Gerald.
    
Ang motif ng wedding is colorful or fiesta.
    
Dalawang gown ang isusuot ni Ai-Ai  --  Frederick Peralta and Maxi Cinco creation.
    
“Ang magkakasal talaga sa akin ay si Bishop Tobias. Ang magmi-misa si Bishop Onchoco kasi diocese niya yung simbahan na pagka-kasalan namin. Ang homily ko ’yung best friend kong pari,” huling kuwento ni Ai-Ai.
    
Samantala, showing na bukas (Oct. 18) ang Bes and the Beshies. Kasa-ma ni Ai-Ai sa pelikula sina Beauty Gonzales, Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Nikko Natividad at marami pang iba. Ang pelikula ay sa direksyon ni Joel Lamangan mula sa Cineko Productions.

* * *

IBANG klase talaga ang galing ng Pinoy pagdating sa pagkanta, huh!             
    
Pinatunayan na naman ito kamakailan ng dalawang pambato ng Pilipinas na sina Zhairra at Zedrick San Diego.
    
Ang dalawang singer na mula sa province of Laguna ang  Philippine representative sa prestihiyosong I-Sing World 2017. Dahil sa husay ng dalawang Pinoy singers, sila ang tinanghal na world champion sa  Duet Category ng I-Sing World na ginanap sa Yangon, Myanmar.
    
Naging mentor nina Zhairra at  Zedrick hit maker at songwriter na si Vehnee Saturno.
    
Samantala, ginanap ang I-Sing World 2017 competition noong September 29 to October 1 na dinaluhan ng iba’t ibang contestants mula sa iba’t ibang panig ng mundo.