Shaina at Piolo, hiwalay sa ABS-CBN Ball

October 03, 2018
Shaina Magdayao

Si Piolo Pascual nga ba ang nagbigay ng bouquet of flowers na ipinost ni Shaina Magdayao sa kanyang Instagram account. Naka-tag ang aktor sa nasabing post at sa caption, ay nagpapasalamat siya sa isang taong tinawag niyang “my perennial” and “my constant.” 

“To constant...ly magical celebrations! Heart is full of gratitude to be blessed with genuine friends around me especially during showbiz events like the ball. These souls who make such evenings more beautiful and meaningful 

“Also, for choosing to re align with wherever Im at now in my life, and for choosing to stay...Grateful for all of your presence  #mostesptoyoumyperennial 

“Guess you’re really #myconstant as well. to genuine friendships beyond showbiz world,” ang caption ni Shaina na pinaniniwalang para kay Piolo since naka-tag ang aktor sa post. 

Parehong dumalo sina Shaina at Piolo sa ABS-CBN Ball na ginanap last Saturday. Magkahiwalay silang dumating at lumakad sa red carpet base sa mga larawang naglabasan which means hindi sila ang magka-date. Wala rin ka-ming nakitang anumang picture nila na magkasama during the ball. But of course, for sure naman ay nagkita sila roon. 

Noon pa ay nali-link na ang dalawa pero ang parati nilang sinasabi, they’re good friends.

Pero sa bagong post na ito ni Shaina, muling na-excite at kinilig ang ShaiLo fans dahil mukhang nagkakakatotoo na ang kanilang dasal na magkatuluyan ang dalawa.

“Thanks for your bravery shai. You did great. What’s more important is a little honesty. Your fans, your family and friends are there. Mas bet ng madla ang totohanan kaysa ang patago at todo deny. And for that, Thank you for telling the truth. We love you,” komento ng isang fan.