Sepanx

November 05, 2018
Regine Velasquez Alcasid

Regine, nanganganay sa Dos!

‘Weird pa ’yung feeling ko’ 

Aminado si Asia’s Songbird Regine Velasquez na parang nanganganay pa siya ngayon sa kanyang bagong bahay. Three weeks pa lang simula nang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapamilya network at aniya, hindi pa raw siya sanay talaga na nakikita niya ang sarili sa ABS-CBN.

“Siyempre, I still feel kinda... I don’t know, I can’t really explain how I feel,” ani Songbird sa mediacon ng kanyang Regine at the Movies concert na ginanap last Sunday.

“I’m very excited and I’m very happy and I’m still excited, pero weird pa ’yung feeling ko. Hindi ko alam bakit, siguro I need to get used to the idea.”

Feeling nga raw niya ay may sepanx (separation anxiety) pa rin siya. In fact, during her last few taping days ng The Clash (her last show sa GMA-7) ay nagkakaroon na raw siya ng anxiety attack.

That time raw ay nakapag-decide na siya na lilipat pero tinatapos niya siyempre muna ang The Clash.

“Alam mo ’yung inaabutan ako ng asawa ko (Ogie Alcasid)  na nakatulala ako. Naganu’n ako, kasi hindi ko alam kung how I should feel and whenever I go to work, kung sino ’yung makasalubong ko, iniiyakan ako. Parang ‘mamamatay ba ako?’ Ganu’n ’yung feeling ko,” she shared.

Para rin daw ’yan kasi na isang bahay na mata-gal mong tinirhan tapos ay bigla kang lilipat, siyem-pre raw ay may adjustments at parang namamahay siya.

“Alam mo ’yung namamahay ka pero excited ka naman? Excited ako sa lahat ng mga possibilities na pwede kong gawin. And at the same time, mayroong konting lungkot.

“Siyempre, ang dami ko namang mga kaibigan na naiwan na minahal ko. Nakakatawa nga dahil when all of these things were happening to me, a lot of bashings and all that,  ang hindi nila alam, there were a lot of outpouring of love also. Coming from ’yung mga nakatrabaho ko from GMA, sina Direk Louie (Ignacio), tinetext ako, ‘okay ka lang ba?’ Kumusta ka, gusto mo awayin natin?’ ’Yung mga ganu’n ba. So, I feel very touched,” saad ni Songbird.

Kaya raw alam niya na hindi talaga nanggagaling sa dati niyang network ang mga negative comments.

“Kasi, mahal naman nila ako, eh. At ako rin, mahal ko rin sila. Kaya nga ako nagkakaroon ng anxiety attack, nagkakaroon ako ng separation anxiety because you know, I was there for 20 years.

“But now, it’s a new beginning for me, that’s why I’m excited,” aniya.

At sa 2019 daw, makakaasa tayo ng mga bagong makikita mula sa kanya lalo na nga pagdating sa collaborations with Kapamilya artists since ang dami nga raw niyang gustong makatrabaho sa ABS-CBN.

“Alam n’yo naman, mahilig ako makipag-collaborate,  ’di ba? So, next year, ang dami kong collaborations na pwedeng gawin.”

Mapapanood na rin daw siya next Sunday sa ASAP at ni-reveal nga niyang magre-reformat ang nasabing variety show pero nilinaw niyang hindi naman dahil sa kanya.

“According to Sir Deo (Endrinal of Dreamscape Entertainment), talaga namang they’ve been thinking of reformatting the show, nagkataon lang din na dumating ako, so parang isasabay na nila pagpasok ko. Pero parang they’ve been thinking about it yata noon pa, last year pa yata.”

At bukod nga sa ASAP, focused din si Regine ngayon sa kanyang Regine at the Movies na gaganapin sa Nov.17, 24 & 25 sa New Frontier Theater (formerly Kia Theatre) kung saan ay bigatin ang kanyang special guest each night.

Si Piolo Pascual ang special guest sa Nov. 17, Sharon Cuneta on Nov. 24 and Daniel Padilla on the 25th.

Sa nasabing concert, Regine will be performing songs from the memorable and iconic movies, both foreign and local, kasama na ang mga musika ni Henry Mancini na composer ng mga classical Hollywood films. She will also be singing songs from animated films at marami pang iba.

Tickets for Regine at the Movies are available at all Ticketnet outlets or call 911-5555.