7,592

Sarah, naghasik ng bagsik!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1325
Sarah Geronimo Sarah Geronimo

NAGPARAMDAM na naman ng bagsik si Sarah Geronimo nang i-release ang bago niyang single na Sandata nu’ng isang araw.

Sa mundo ng music netizens, ibinalita nilang after 10 minutes ng paglabas ng single, umakyat agad ito sa number 1 spot sa iTunes Philippines, huh!

Sa tweet naman ng Official Charts PH @MusicCharts, lumanding sa no. 86 ang kanta ng Popstar Royalty sa iTunes Singapore as of this writing.

Humataw rin ang kanta niya sa Spotify na nasa number 3 spot. Nakipagsabayan talaga ito sa mga hit ng foreign singers, huh!

Matagal na rin bago naglabas ng bagong kanta si Sarah kaya naman nasabik ang followers niya’t agad tinangkilik ang Sandata.

Pagdating naman sa movie, ginagawa niya ngayon ang local version ng isa sa Asian hits, ang The Granny (20 Again) kapareha si James Reid.

* * *

NAKIPAG-UNAHAN talaga si Megan Young sa pagsalo ng bouquet ng bulaklak sa traditional na paghahagis ng bride sa kasal ni Maxene Magalona.
    
Nasalo naman ng girlfriend ni Mikael Daez ang bulaklak na nasa video post niya sa Instagram.
    
Slow motion pa ang pagsalo ni Megan na dinaig ang kasamang girls dahil sa tangkad niya.
    
Biro ni Tim Yap, host ng kasal, susunod na ikakasal si Megan.
    
Kasama siyempre ni Megan si Mikael sa wedding na ginanap sa Boracay. Isa ang Kapuso actress sa tumayong bridesmaids.

* * *

KINASASABIKAN na ang pag-ere ng bagong naughty comedy ng GMA na The One That Got Away simula sa Lunes.
    
Kaabang-abang kasi ang paseksihan at simpleng tarayan ng bidang girls na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.
    
Eh, handang-handa rin kasi sila sa pagpapakita ng kanilang alindog bilang mga ex-GF ng bidang si Dennis Trillo.
    
Bilang bahagi ng promotions ng series, take note na dumayo pa si Rhian sa Cabanatuan at sumama sa motorcade sa gitna ng initan, huh!
    
Bukas, January 14, ang buong cast ay nasa Robinson’s Mall Novaliches, 4 p.m.