4,770 guests

Sarah, may bagong international award

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 325

Pagtanggi ni Christian kay ‘Barbs’ naging big isyu

WAGI ng panibagong international award ang Popstar Princess at reyna ng Viva na si Sarah Geronimo. She
won Best Filipino Act sa 2017 daf BAMA Music Awards. 

Nominado rin ang girlfriend ni Matteo Guidicelli sa kategoryang People's Choice at BAMA's Best
Female.
    
Ang ilan sa international artists na nakatunggali ni Sarah sa on-line voting ay sina Anggun
Sipta Sasmi (currently a judge at Asia's Got Talent in Singapore) mula sa Indonesia, Vera Brezhneva
(Ukraine), Aryana Sayeed (Afghanistan) at marami pang iba.

Ang daf BAMA Music Awards ay nakabase sa Hamburg, Germany. Ginanap ang tinaguriang biggest
multicultural music awards ceremony nu’ng November 17 sa Barclaycard Arena.

Kamakailan lang, naiuwi rin ni Sarah ang karangalan bilang Magnanimous Lion Award sa RAWR
Awards ng LionHearTV.

* * *

ISANG malaking isyu sa ilang supporters ni Christian Bables ang spin-off ng Die Beautiful kung saan
gumanap siya bilang Barbs at nagbigay sa kanya ng ilang best supporting actor trophies ngayong 2017
awards season.
    
Sa spin-off, hindi na si Christian ang gaganap bilang Barbs. Ang coveted role ay napunta na
kay Martin del Rosario.
    
Personal choice ng mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan ang Kapuso leading man sa
Born Beautiful dahil ayon sa nasagap naming balita, conflict din sa taping schedule ng project sa
schedule ni Christian.
    
But from what we heard, tila desisyon na rin ng IdeaFirst Company nina Direk Jun at direk
Perci na ibigay na sa iba ang role.
    
Nag-react at umalma ang ilang supporters ni Christian nang mag-post si Martin sa kanyang
Twitter account ng “Cameras to start rolling soon!” na tinapos niya ng hashtag ng #BornBeautiful.
    
Ang reaksyon ng supporter ni Christian na may handle name na @mekzzyy (Mark Devaras), “Why
you? Why not Christian Bables? The awards that were awarded to him because of the film is [the]
undeniable proof that he is the only artist who fits in that role. I don't think that Born Beautiful
is going to give me the same impact Die Beautiful gave me before.
    
Na sinagot naman ni Martin ng “Why me? Why not?"”

Para sa director ng Die Beautiful, may malaking “K” si Martin para sa papel na Barbs.

Sabi ni Direk Jun, “Honored to be working with one of the most talented and professional young
actors in the industry today. @mart_drosario I know you’ll blow their socks off! (or rather their
heels) #BornBeautiful.”
    
Sa Twitter, nagpalitan ng tweet sina Christian at Martin tungkol kay Barbs.
    
Sabi ni Christian, “Sa-lamat ng madaming madami, @mart_drosario! We all know you’ll slay!
Ngayon pa lang, hats off na yo you. Mabuhay ka, Barbs!”
    
Sagot ni Martin, “Thanks Barbs @ChristianBables! Ikaw naman talaga ang orig. Itutuloy ko lang
ang laban mo. Will do my best as your ‘successor.’ Mabuhay ka!”

* * *

FINALLY, buo na ang walong pelikulang magiging bahagi ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) this
December.
    
Nauna nang naihayag ang apat na entries ilang buwan na ang nakararaan. Ito ay ang mga
sumusunod (chosen based on scripts): Meant To Beh (MZet Films, APT Entertainment at OctoArts Films),
starring Vic Sotto and Dawn Zulueta; All of You (Quantum Films), pinagbibidahan ito nina Jennylyn
Mercado, Derek Ramsay; Ang Panday ng CCM Films, Star Cinema, directorial debut ni Coco Martin na siya
ring bida; at Gandarrappido: The Revenger Squad (Star Cinema at Viva Films), topbilled by Vice Ganda,
Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.
    
Ang mga napili naman based on finished films are: Deadma Walking (T-Rex Productions), starring
Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman; Siargao (TEN17P, Inc.), bida rito sina Jericho Rosales, Erich
Gonzales at Jasmine Curtis Smith; Haunted Forest (Regal Entertainment), topbilled by Jane Oineza,
Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas; at Ang Larawan The Movie (Culturtain Musicat Productions) na
pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Joanna Ampil at Rachel Alejandro.
    
Pasok naman ang walong short films namely: Anino, Anong Nangyari kay Nicanor Dante?, Black
Market, Crab Mental, Gunita, Isang Gabi/One Night, Kinalimutan Natin Ang Mga Bata at Noel.
    
Ang parade of stars ay magaganap sa December 23 sa Muntinlupa City.