Sarah-Matteo, nakaw-eksena sa ABS-CBN Ball!

September 30, 2018
Sarah Geronimo

Hanggang kahapon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang katatapos lang na kauna-unahang ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La Makati last Saturday, Sept. 29.

Needless to say, maaga pa lang ng Sabado ay flooding na sa social media ang mga larawan ng mga artistang dumalo’t rumampa sa red carpet.

At tulad ng mga nakaraang Star Magic Ball, lagi na’y inaabangan ang mga showbiz couples na dumadalo bukod pa nga sa kung sino ang Best Dressed at Worst Dressed.

Pero this year, ang talagang masasabing nagnakaw ng atensyon ay ang pagdalo for the first time ni Sarah Geronimo. Of course, sino pa ba ang escort niya kungdi ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa unang pagdalo ito ni Sarah sa Kapamilya ball, ito rin ang unang showbiz event na lumakad sila sa red carpet nang magkasama ni Matteo sa ilang taon nilang pagka-karoon ng relasyon.

Sa interview ng ABS-CBN sa AshMatt (tawag sa loveteam nina Sarah at Matteo), inamin ni Sarah na ninenerbyos siya.

“First time,” sambit ni Sarah, “siyempre, gusto ko siyang (Matteo) samahan, so nandito ako ngayong gabi.”

Si Matteo naman ay aminadong masayang-masaya na kasama niya si Sarah sa event.

“It’s the first ABS-CBN Ball and it’s the first time she’s here, so ’yun, masaya, masaya,” sey ni Matt.

Simple lang pero napaka-eleganteng tingnan ni Sarah sa kanyang off shoulder gown at siyempre, nakapagwapo rin naman ni Matteo in his suit.

Tagged Under