5,734 guests

Sarah, gusto nang magka-baby ulit

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 1139

“Overwhelming” ang reaksyon ni Yassi Pressman sa extension ng FPJ’s Ang Probinsyano till 2018.

“Ang tagal (ng airing), isang malaking-malaking blessing. Gusto naming magpasalamat po sa lahat ng mga bosses namin at siyempre, sa lahat ng mga nanood gabi-gabi at sumusuporta,” pahayag ni Yassi sa panayam sa kanya ng ilang media matapos ihayag ang announcement ng extension ng serye nila ni Coco Martin.
    
Gaano na sila ka-close ng FPJAP family?
    
“Solid. As in ang samahan po talaga namin, parang magkakapatid. Sa lahat ng bagay po, kapag take o hindi take, nagtatawanan kami kahit sobrang dramatic na ng mga nangyayari. Masaya po talaga sa set,” she said.
    
Pero siyempre, kahit masaya sa set, kapag may nawawala raw na isang cast or namamatay na isang character ay sobrang nalulungkot sila.
    
“Mahirap, naku sobrang hirap,” bulalas niya. “Nalulungkot kami lalo na ’yung Cebu episode namin na ang dami, sabay-sabay (na namatay), ’yung malaking scene po. Masaya naman kami na matagal din naming nakakasama ’yung mga nagge-guest.”
    
As we all know, late na pumasok si Yassi sa FPJAP. Late last year lang siya na-cast bilang si Alyana at siya na bale ang naging leading lady ni Coco for the past few months.
    
Malaki raw ang nagawa ng FPJAP sa kanyang career at ito ang itinuturing niyang pinakamalaking blessing na nangyari sa kanyang buhay and she could only wish na mananatili na ang karakter niya hanggang sa pagtatapos ng serye.

* * *

Maga-apat na taon na ang panganay na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kaya naman ang dami nang nagtatanong sa kanila kung kailan nila ito susundan.
    
“We (she and Richard) talk about it, of course, I mean, we’re partners but kung ako ang masusunod, I want to have a baby soon. But of course, I have priorities which is Zion, my job. Kung pagsasabayin ko lahat, mababaliw ako, so I need to take it one step at a time,” sey ni Sarah sa interview namin sa kanya at the launching of her True Beauty: How To Glam Your Life Inside and Out book.
    
Sa ngayon daw kasi ay nasa age si Zion na kailangang tutukan talaga.
    
“Now is the time kasi na si Zion, lahat ng marinig niya or lahat ng ituro namin, pini-pick-up niya sa brain niya so I need to be there for him, I need to teach him, so medyo crucial ’tong age na ’to for him.
    
“As in he picks up everything I teach him so if I’m not there or Chard’s not there, medyo magugulo ‘yung mundo namin.”
    
Hindi lang ang pagkakaroon ng 2nd baby ang napag-uusapan nila ni Chard kungdi pati na rin ang wedding lalo pa nga’t marami ang nagtatanong kung kaylan ba sila talaga pakakasal.
    
“Darating din tayo diyan. We want that for Zion, for us. We’ll get there.
    
“Yeah, we talk about it. We’ll see. Alangan namang ako ang mag-propose,” parang medyo parinig na sabi ni Sarah.
    
Pero kung siya ang tatanungin, at this point, gusto na ba niyang magpakasal?
    
“I think so, yeah,” she said.

* * *

Nakakaaliw ang pag-aaway ng mga fans sa The Better Half. Kanya-kanya kasi silang bet ng leading man for Shaina Magdayao who plays Camille sa nasabing afternoon series ng ABS-CBN.
    
May boto kay Carlo Aquino who plays Marco, ang unang asawa ni Camille, at may boto kay JC de Vera na gumaganap namang Rafael at current husband ni Camille.
    
Team Sunrise ang tawag sa mga Shaina-JC shippers at Team Sunset naman kina Shaina at Carlo.
    
Kanya-kanya silang comment sa social media. Ang sabi ng Team Sunset, sana raw ay si Carlo at Shaina ang magkatuluyan in real life dahil bagay daw ang dalawa.
    
Ang sabi naman ng Team Sunrise, mas bagay daw sina JC at Shaina na magkatuluyan dahil mas nakakakilig daw ang tambalan nila.
    
For sure ay mas lalo pang mag-aaway ang mga fans dahil tuluyan na ngang nagbalik ang alaala ni Marco at naalala na niyang asawa niya si Camille.
    
For sure ay mas titindi ang pag-aagawan ngayon kay Shaina ng dalawa niyang leading men kaya mas magiging mainit din ang away ng Team Sunrise at Team Sunset.