7,607 guests

Sarah, dapat bang maiinggit kay Rachelle Ann?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1107
Sarah Geronimo Sarah Geronimo

KUNG gugustuhin ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, matagal na sana silang nagkasama sa iba’t ibang projects pero ayaw nila na magamit ang kanilang relasyon sa anumang publisidad.

Although Sarah is a bigger star than Matteo, they are not competing with each other  and  both wanted to protect whatever relationship they have.  Pero  may mga tao pa ring nagda-doubt sa kanilang relasyon considering na mahigit tatlong taon na silang magkasintahan.

Klinaro rin ni Matteo na hindi umano sila magka-loveteam ni Sarah kundi totoo ang kanilang relasyon na pareho nilang pinangangalagaan.

Sa mga shows and concerts ni Matteo, never niyang isinama si Sarah bilang special guest at ganoon din naman si Matteo sa mga shows ni Sarah at hindi nagbabago ang desisyon ng dalawa hanggang ngayon kahit alam nilang maraming fans ang matutuwa.

Kung may mga nagsasabi na masuwerte umano si Matteo kay Sarah, ganundin naman si Sarah kay Matteo.

Samantala, wala pa kayang balak  si Matteo na sundan ang proposal ng fiance ni Rachelle Ann Go na si Martin Spies?

Si Rachelle Ann ay kapanabayan at isa sa malalapit na kaibigan ni Sarah.

JANELLA ’DI DAPAT KALIMUTAN ANG SAKRIPISYO NG INA

GAANO kaya katotoo ang balitang humiwalay muna ng tirahan si Janella Salvador dahil hindi umano sila magkasundo ng kanyang inang singer-actress din na si Jenine Desiderio?
    
Last September 8 ay parehong guest ang mag-inang Jenine at Janella sa “Hey, It’s Me …Jamie” concert ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera sa Music Museum.  Don’t tell me na nag-isnaban ang dalawa backstage?
    
Kung may tampuhan man ngayon ang mag-inang Jenine at Janella ay normal ito sa mag-ina. Jenine is just being protective of her daughter lalupa’t mag-isa niya itong pinalaki without the presence and support ng kanyang biological father.  Dapat ding ma-realize ni Janella ang hirap na pinagdaanan ng kanyang ina in raising her to become a beautiful lady as she is today.
    
Minsan o kadalasan ay nakakalimutan ng mga anak ang sakripisyo na ginagawa para sa kanila ng kanilang ina.

STAR MAGIC BALL, INAABANGAN NA

SA September 30, 2017 na ang taunang Star Magic Ball na gaganapin sa grand ballroom ng Shangri-La Plaza Hotel in Makati at ngayon pa lamang ay sobra na itong pinaghahandaan ng mga Kapamilya stars and talents.  
    
In demand din ngayon ang iba’t ibang mga kilalang fashion designers ng bansa para gawin ang mga kasuotan ng mga celebrities na dadalo sa nasabing okasyon.  
    
This early ay marami na ang nag-aabang kung sino ang may pinakamagandang kasuotan  na magsa-shine nang husto sa Star Magic Ball.  Sinu-sino ang magkakaparehang dadalo? Sino ang makaka-date ni Piolo Pascual? Excited naman sina Maymay Entrata at Edward Barber at maging sina Kisses Delavin at Marco Gallo dahil first time nilang dadalo sa nasabing engrandeng okasyon.  
    
Tiyak ding si Elmo Magalona ang makakasama ni Janella Salvador at marami ang nag-aabang sa pagdalo ni Claudine Barretto at iba pang stars na wala noon sa mga nakaraang Star Magic Ball.  Si Xian Lim pa rin kaya ang ka-date ni Kim Chiu?  Kaabang-abang din ang pagdalo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Julia Barretto at Joshua Garcia at marami pang iba.  Sino naman kaya ang ka-date ni Coco Martin?  Si Julia Montes kaya?
    
Of course, there will be other surprise pairs na unang makikita sa Star Magic Ball.

SAM LUMAGDA NG CO-MANAGEMENT CONTRACT WITH VIVA

HINDI pala nawala si  Carlo Orosa as manager ng singer-dancer-actor na si Sam Concepcion  kundi nakipag-co-managed lang siya ngayon sa Viva Artists Agency.
    
Dati ay co-managed si Sam ni Carlo at ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
    
Ayon kina Carlo at Sam, maayos umano silang nagpaalam sa Star Magic bago sila lumagda ng co-management deal with VAA.
    
Ngayong nasa bakuran na ng Viva si Sam, looking forward siya to do projects with co-Viva stars and talents.
    
Over at Viva, tiyak na posible ang pagkakaroon niya ng bagong album under Viva Records.
    
Ang unica hija ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana Valenciano ang kasintahan ngayon ni Sam.

ANAK NI BOSSING VIC, KAMPI SA CHR

MARAMING netizens ang natuwa sa Twitter post ng binatang anak ni Vic ‘Bossing’ Sotto, ang konsehal ng Pasig City na si Vico Sotto.
    
Ayon sa post ni Vico, nakalaan umano siyang magbigay ng bahagi ng kanyang suweldo sa Commission on Human Rights  (CHR) kapag inaprubahan ang 2018 P1,000 alloted budget ng Kongreso at Senado.  Maraming netizens ang nag-react sa move na ito ng Kongreso.
    
Marami rin ang nagsasabi na magkasalungat umano ang stand ng mag-tiyuhing Sen. Tito Sotto at Vico Sotto.
    
Kanino kaya kampi si Bossing?

FAKE NEWS ON BONG

ISA na namang fake news ang kumalat last Tuesday, September 12 kung saan ibinalitang patay na umano ang actor-politician na si dating Sen. Bong Revilla dahil umano sa atake sa puso.  Natural, naalarma ang mga taong malalapit kay Bong dahil sa maling balita.  Maging si Bong mismo ay nagulat at nalungkot sa balitang ito na gawa-gawa ng mga walang magawa sa buhay.
    
Sa halip na magalit ay pinatatawad ni Bong kung sinuman ang nagkalat nito.
    
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang kanyang pamilya, mga kaibigan at supporters na isa sa mga araw na ito ay makikita sila ni dating Sen. Jinggoy Estrada na malaya na.