Sanya Lopez, kinabayo ni Derrick sa loob ng kotse

September 23, 2018

PREPARADO si Sanya Lopez sa wild love scenes na gagawin nila sa movie nila ni Derrick Monasterio na Wild and Free.  Ayon sa Kapuso actress, “Inihanda ko na ang sarili ko dito. Gustung-gusto ko ’yung natututo ako at nag-i-improve!”

Sa loob ng kotse ang isang love scene na ginawa nina Derrick at Sanya kung saan tila kinakabayo ng hunk aktor ang sexy actress habang ang huli ay nakasandal sa manibela.

Pagkatapos ng nakakapag-init na eksenang ‘yon, naging komportable na siya kay Derrick.  

“Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami,” rason ni Sanya.

Dahil sa eksenang ’yon, pinag-usapan ang trailer ng movie at sabik na ang moviegoers na saksihan sa big screen ang maiinit na eksena nina Derrick at Sanya sa October 10.