5,272 guests

Sandy, no show sa restored version premiere ng ‘High School Scandal’

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 290

NO show, Ian F., si Sandy Andolong sa premiere ng restored version ng High School Scandal, released in 1981, starring her and Gina Alajar, na ginanap sa U.P. Town Center cinema in Quezon City nu’ng Friday.

May taping daw si Sandy for her sitcom Home Sweetie Home. Gina, who came with top scriptwriter and occasional actress Raquel Villavicencio explained Sandy’s absence.

Magtu-twenty pa lamang daw si Gina at malamang na ganundin si Sandy nang gawin nila ang High School Scandal, which the late Gil Portes, who died last May 27, directed.

But since daw Gina married at a young age, well, to now estranged husband, Michael de Mesa, four years old na noon ang panganay niyang si Ryan (Eigenmann), now a family man na.

Wala pa noon sa buhay ni Sandy si Christopher de Leon. Nag-aaral noon sa ibang bansa si Sandy. It was in one of her visits home na nag-decide siyang mag-artista.

Tungkol sa maaga at ’di inaasahang pagbubuntis ng isang high school student na nauwi sa abortion ang pelikula. Maraming sexy scenes si Gina. Nakipag-lips to lips naman ng kung ilang ulit si Sandy sa kanyang leading man na si Greggy Liwag.
    
Come to think of it, nasaan na nga kaya ngayon si Greggy at ang naging kapareha naman ni Gina na si Ting Jocson?
    
Si Sharon Cuneta, who was only about 15 then, ang umawit ng theme song na High School, na nilikha ng late composer na si George Canseco.
    
Muling pumapailanlang sa himpapawid ang awiting High School sa tinig this time ng teenage actress na si Loisa Andalio.
    
High School daw will be released nationwide soon.

* * *

May mga romantic scene daw with Ken Chan si Barbie Forteza sa first movie nila together titled This Time I’ll Be Sweeter. But a lips-to-lips kissing scene they don’t have.
    
Barbie said she’s not yet ready for it, explained daw niya kay Direk Joel Lamangan, who understood naman her point.
    
Yet, compared daw to their team-up in the Kapuso series Meant To Be, definitely more matured ang role nila ni Ken sa This Time I’ll Be Sweeter.
    
Asked if she and Ken are romantically involved, natawa ang dalaga. Ang maliksing sagot ni Barbie ay hindi.
    
Did we hear it right na ang kasalukuyang one and only ni Barbie ay ang fellow Kapuso niyang si Jak Roberto na kasama rin sa Meant To Be?