4,577

Ryza Cenon, Most Brilliant Performer sa Osaka filmfest

  • Written by Lito Mañago
  • Published in Showbiz
  • Read: 358

ITINANGHAL si Ryza Cenon bilang Most Brilliant Performer (Yakushi) Pearl Award sa 13th Osaka Asian
Film Festival (OAFF) sa Osaka, Japan dahil sa kanyang pagganap sa Mr. and Mrs. Cruz ng Viva Films
at The IdeaFirst Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. 

Kauna-unahang acting award ito ni Ryza -- mapa-local or international -- kaya memorable
ito para sa kanya. 

Ito rin ang first mainstream film niya pagkatapos kumalas sa GMA Artist Center (GMAAC) at
lumipat sa pag-aalaga ng Viva Artists Agency (VAA) ni Veronique del Rosario.
    
Kay Liza Diño-Seguerra, FDCP chairwoman & CEO, una naming nabasa ang tungkol sa
pagkakapanalo ni Ryza sa OAFF 2018. Nasundan ito ng Instagram post ni Sigrid Andrea Bernardo,
direktor ng Mr. and Mrs. Cruz, at sabi niya, “OMG!!!! Mrs. Cruz wins!! Congrats @iamryzacenon!”
    
Nag-post naman si Ryza ng photo na kuha sa awards ceromony at sabi niya sa caption,
“Woohhoo!!! Thank you! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!! Hindi pa rin ako makapaniwala, hahahaha,
ganito pala feeling. Nakuha ko ang perlas para sa Pilipinas!” at tinapos niya ito ng mga hashtag
na #mrandmrscruz #osakaasianfilmfestival #yakushipearlaward.
    
Nu’ng nakaraang taon, naiuwi rin ni Iza Calzado ang award para sa pagganap niya sa
pelikulang Bliss ni Direk Jerrold Tarog.
    
It’s a back-to-back win for the Philippines! Mabuhay ang #TeamPilipinas!

* * *

ISANG all-expense paid trip to Japan ang regalo ni Miguel Tanfelix sa kanyang leading lady sa
Kambal, Karibal na si Bianca Umali, who turned 18 last March 2 pero nu’ng Sabado (March 17) lang
ng gabi idinaos ang kanyang grand debut sa EDSA Shangri-la Hotel.
    
Gulat si Bianca habang binabasa ang card ni Miguel. Bukod sa official escort ng dalaga,
bahagi rin ang aktor ng 18 treasures at 17th guy para sa 18 roses. Ang namayapang ama ni Bianca
ang ika-18th kung saan isang taimtim na dasal ang inihandog ng aktres sa kanyang ama.
    
Nangako naman si Mi-guel sa grandmother ni Bianca na si Lola Victorina Umali na aalagaan
niya ang dalaga sa pamamasyal nila sa Japan.
      
“Kasi alam kong favorite country mo ’yung Japan, ’di ba? Gusto ko ’yung first labas mo
sa Japan, kasa-ma si Ninong Will (road manager ni Bianca sa artist center), ‘Mama (addressing
to Bianca’s Lola Victorina), kasama si Ninong Will, ha?’ Boss Vic (del Rosario, GMAAC) and Ms.
Tracy (Garcia, GMAAC).
    
“So, Mama, huwag po kayong mag-alala dahil lahat kami, aalagaan namin si Bianca dahil
gusto lang naming maging happy si Bianca,” tinuran ng aktor.
    
Isang mahigpit na yakap naman ang isinukli ni Bianca kay Miguel.