Roxanne, ini-enjoy ang pagiging single

September 16, 2018
Roxanne Barcelo

Tikom pa rin ang bibig ni Roxanne Barcelo sa kung ano ba talaga ang totoong rason kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Will Devaughn.

’Yung inaakala ng maraming mauuwi na sa altar ang relasyong Roxanne at Will pero sa hiwalayan pa rin ito nauwi.

Sabi ni Roxanne, unti-unti na siyang nakapag-move on from the break-up pero ramdam pa rin niya ang sakit na dulot ng hiwalayan.

Paliwanag ng aktres, it seemed they both fell out of love. Idinagdag pa niyang may mga bagay daw na hindi nila napagkasunduan hanggang they finally decided to call it quits. But she insisted, magkaibigan pa rin daw sila ng dating kasintahan.

Dedma muna sa 33-year old Kapamilya actress ang salitang pag-ibig. As in, gusto lang daw muna niyang i-enjoy ang pagiging single at pagkonsentreyt sa career lalo na’t nalalapit nang ipalabas ang pelikulang Abay Babes sa ilalim ng Viva Films.

Ani Roxanne, “The role I am playing in the movie is just having fun and enjoying life to the fullest. Kaya maging sa life ko ngayon being single, ini-enjoy ko rin muna. Siguro matatagalan before I fall in love again. Pero hindi naman ako nagmamadali.”

Maliban sa kanya, nasa cast din ng Abay Babes sina Kylie Versoza, Nathalie Hart, Meg Imperial at Cristine Reyes. The movie is directed by Don Cuaresma.