Rocco, ibinebenta ang pulang luxury car

October 12, 2018

IBINEBENTA na ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang red luxury car niya.

Dream car niya ito at itinuring niyang “girlfriend” nu’ng panahong wala na sa buhay niya ang volleyball player na si Melissa Gohing.

As we all know, one year na ang relasyon nina Rocco at Melissa. Roller coaster man ang una nilang taon, saad ng isa sa mga bida ng Kapuso series na Pamilya Roces sa kanyang Instagram, nanatiling matatag ang kanilang relasyon dahil nasa gitna nila ang Diyos.

Si Lovi Poe ang huling nakarelasyon ni Rocco at hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang rason ng paghihiwalay nila.

Naapektuhan tuloy ang isang indie movie na pinagsamahan nila dahil wala nang balita kung natapos na ito.