6,900

Robin, hindi kayang harapin ang BF ni BB

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 764

IBA ang tingin ni Robin Padilla sa kapatid na si Rustom Padilla na ngayo ay si BB Gandanghari na. Para kay Robin Padilla, “bata” pa si Rustom sa bagong pagkatao nito bilang BB.

“Bata pa siya sa bago niyang kasarian as BB kaya ang dami pa niyang gustong gawin. Kami naman nakasuporta lang sa kanya,” saad niya.

Nakausap namin ang aktor sa launch ng Brand Pilipinas kung saan isa siya sa co-founder. Isinusulong ng grupo ni Robin na mas tangkilikin ang mga produktong Philippine-made at mas patatagin pa ang suporta sa mga kompanyang pinatatakbo ng Pilipino.

Ayon pa kay Robin, hindi pa niya kayang makita na magkaroon ng boyfriend o fiance si BB.

“Ang ’wag lang niyang hingin sa amin ’yung… ipakilala niya ’yung papakasalan niya. Hindi ko pa kaya ’yon. Parang, ‘teka muna ’tol, biglaan ’yan, ha.’ ’Yung mga ganun.

“Hindi pa namin kaya ’yon. ’Wag niyang biglaan kasi… parang 12 years old na nagdala ng boyfriend, siyempre magugulat din kami, ’di ba? Bata pa siya sa amin masyado. Hindi pa kami handa don,” giit ni Robin.

Mas okey daw na huwag na lang ipakilala sa kanya kung sino ang mapapangasawa ni BB.

“Gawin niya do’n. Hindi naman niya kailangang… kasi mahirap ’yon, baka hindi namin mapakiharapan nang tama,” rason ni Robin.

Nakatira ngayon si BB sa Amerika (Los Angeles) dahil naniniwala daw ito na mas tanggap siya doon ng mga tao bilang isang transgender.

“Transgender siya, so ang kanyag pakiramdam, dito hindi pa masyadong tanggap yon at do’n sa Amerika, nando’n ngayon ’yung rebolusyon.

“Kasi sabi ko sa kanya, dito sa Pilpinas, baka 30 taon na siyang patay hindi pa ’yan tinatanggap sa atin, kasi wala pa tayong ganu’ng estado na tatanggapin ang transgender.

“’Yung gay nga hirap na, eh. Pumunta lang ako sa isang gay marriage (nina Francis Libiran and partner) pero halos pata-yin na ako sa pamba-bash mula ulo hanggang paa,” pahayag pa ni Robin.

Inamin din ng aktor na napapanood sa morning series na Sana Dalawa Ang Puso na tinutu- lungan naman niya ang kapatid pagdating sa financial support.

Aniya, “Kung ako ang tatanungin, walang pina- kamaganda kung hindi nandito ka sa Pilipinas. Eh, siyempre, ’yung kanya, napili niyang makipagsa-palaran sa Hollywood. Eh, napakadami dong kompe-tensya.

“Humihingi siya ng tulong sa amin, lalo na siya, wala naman siyang income. Pero bilang mag-kakapatid nagtutulungan kami. Ginagawa naman niya lahat para kumita siya don, pero Amerika ’yon, ang daming nagugutom do’n.

“Pero hangga’t kaya namin siyang itawid, tutulungan namin siya. Pero pag hindi na namin kaya, eh, ’yon na ’yung reality strikes na, ‘Tol, umuwi ka na.’ Pero sa ngayon naman masaya kami na masaya siya.”

Samantala, bilang isa sa co-founder ng Brand Pilipinas may napagdisisyunang gawin si Robin.

“Nag-usap na kami, lahat ng imported ko ido-donate namin sa Caritas,” pahayag pa ng aktor.