4,948 guests

Richard at Sarah, lalaki ulit ang magiging anak!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 392

NAKA-LALAKI na naman sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa gender reveal na naganap nitong weekend
sa isang suite sa Ortigas Center. Kapwa nila pinost sa kani-kanyang Instagram na, “It’s a boy” ang
gender ng second baby nila.

“Lord thank you for blessing us abundantly. I am growing another baby boy and I’m so happy and
excited for the future #gutz- babyreveal,” caption ni Sarah.
    
Sinikreto kina Chard at Sarah ang gender ng bata na nalaman lang nila nu’ng gender reveal.
Binati niya ang kanyang doctor at si Alexa Gutierrez, wife ni Elvis, dahil nailihim nila nang todo ito
sa kanila.
    
Matapos ang announcement ng engagement nina Richard at Sarah sa Switzerland, kasunod nilang
inanunsyo ang pagbubuntis ni Sarah.

* * *

UMIRAL ang pagiging konserbatibo ni Alden Richards nang maging guests sila ni Maine Mendoza sa AlDub
Nation Festival 2017 sa SMX Convention Center sa Pasay City last Saturday.
    
Eh, litaw ang tiyan ni Meng sa suot niyang damit kaya sa video na lumabas sa Instagram,
nakuhanan siyang pilit na itinataas ang suot pang-ibaba ni Maine para huwag makita ang tiyan.
    
Bale second year ng ADN Festival ang dinaluhan ng dalawa na organized ng kanilang grupo ng
fans. After ng okasyong ’yon, nagpasalamat ang Phenomenal Star sa AlDub Nation na walang sawa ang
suporta sa kanila.
    
Hudyat na rin ’yon ng pagbabalik ni Meng sa Twitter kaya komento ng fans niya, “The Queen is
back!”

* * *

WALA nang atrasan pa ang pagbabalik ni Derek Ramsay sa paggawa ng pelikula sa Star Cinema. Finally,
matutupad pa rin ang pagsasama nila ni Bea Alonzo with matching Paulo Avelino sa project.
    
Sa Instagram post ng manager ni Paulo na si Leo Dominguez, movie ang gagawin nilang tatlo at si
Ruel Bayani ang magiging director. Nasa foto rin ang Star Cinema boss na si Malou Santos. Pero present
sa meeting na  ’yon ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong.
    
Samantala, tinatapos ni Derek ang MMFF movie nila ni Jennylyn Mercado na All of You under
Quantum Films, ’Yung movie naman ni Paulo na Larawan The Movie ay ngayong araw na ito ang premiere sa
Tokyo International Film Festival.
    
Inaayos pa ni Leo ang schedule ni Paulo kung makakadalo siya sa TIFF. Ayon naman sa producers
ng Larawan, umaasa pa rin silang isa ito sa huling apat na mapipili bilang official entry sa December
moviefest.