Rhian kakalas na rin sa GMA7?

October 03, 2018
Rhian Ramos

MAY ilang buwan na ring single muli ang Kapuso star na si Rhian Ramos dahil hiwalay na rin ito sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang Chinese-Filipino businessman na si Jason Choachuy.  Bago si Jason ay naging kasintahan din noon ni Rhian ang radio DJ na si Mo Twister (kung kanino naging controversial ang kanilang hiwalayan), Mark Herras, JC de Vera, Richard Gutierrez at KC Montero.

Si Rhian ay pinalitan ni Gil Cuerva bilang co-host ni Solenn Heussaff sa lifestyle program na “Taste Buddies” on GMA News channel.  Indikasyon na kaya ito ng pagkalas ni Rhian sa kanyang home studio of many years, ang GMA? Nag-trending din ang pag-comment niya sa ilang fashion style ng mga artista ng Dos na dumalo sa ABS-CBN Ball.

Samantala, sunud-sunod ang mga pelikulang nagawa at ginagawa ni Rhian.  Nung isang taon ay naipalabas na ang “Fallback” under Cineko Productions na pinagtambalan nila ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo at Daniel Matsunaga.  Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.  The movie was released by Star Cinema.

Co-star din si Rhian sa comeback action movie ni Monsour del Rosario, ang “Trigonal: Fight for Justice” na kamakailan lamang ipinalabas sa mga sinehan.  Siya rin  ang kapareha ni Jolo Revilla sa episode na “72 Hours” ng action-packed triology movie na “Tres” under Imus Productions na palabas ngayon sa mga sinehan.  Tapos na rin niyang gawin ang first team-up nila ng Kapamilya actor na si JM de Guzman, ang romantic-comedy na “Paano Siya Nawala” na dinirek ni Joel Ruiz under TBA Studios with JM and Rhian as co-producers.

Rhian turned 28 kahapon, October 3.