Rhian inamin na matagal nang sinusubaybayan si JM

November 03, 2018
Rhian Ramos
Rhian Ramos

SA media launch ng pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” na pinagbibidahan ng unang tambalan nina Rhian Ramos at JM de Guzman with new film director na si Joel Ruiz under TBA Studios, personal na inamin ni Rhian na nasa high school pa lamang umano siya at wala pa sa showbiz nang kanyang i-google ang pangalang Juan Miguel de Guzman na mas kilala ngayon bilang si JM de Guzman na nasa showbiz na rin noon as a teen actor.   At ito’y inamin niya mismo kay JM matapos nilang gawin ang pelikula which they are also co-producing.  Ayon kay Rhian never niya in-imagine na magkakatrabaho sila sa isang movie project  ni JM na hinahangaan niya bilang isang mahusay na actor at na-discover pa niyang isang mabuting tao.

When the project was offered to them separately, hindi nagdalawang-isip sina Rhian at JM at agad nila tinanggap ang project matapos nilang mabasa ang istorya na magkatulong na sinulat nina Aloy Adlawan at Joel Ruiz na parehong writer-director.

“Hindi man bumalik sa amin ang aming investment (as co-producers), we’re both glad we did the movie.  That’s how we love the material,” pahayag ni Rhian.

“Ang ganda ng story, ang ganda ng character nina Lio at Shana,” pagmamalaki pa ni Rhian.

Ang “Paano Siya Nawala” ay first movie comeback ni JM after niyang muling mag-showbiz comeback matapos niyang makumpleto ang kanyang rehabilitation na may kinalaman sa droga.

Bago ang “Kung Paano Siya Nawala” ay napanood si JM sa bagong nagtapos na hit afternoon TV series na “Araw Gabi” na pinagtambalan naman nila ni Barbie Imperial.

Ang “Kung Paano Siya Nawala” na tinatampukan din nina Agot Isidro, Barbara Ruaro at Ricky Davao, hits the movie theaters nationwide simula sa November 14.