Rhian, ’di prayoridad ang lovelife

October 31, 2018
Rhian Ramos

Naku, maba-bash na naman nito si Rhian Ramos ng fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial sa inamin ng aktres sa presscon ng pelikula nila ni JM na Kung Paano Siya Nawala na naging crush niya ang aktor.

Ang feeling kasi ng fans nina JM at Barbie, nagpapahabol si Rhian kay JM at nagpaparinig sa aktor sa posts sa Instagram (IG).

Pero, high school pa si Rhian nang magka-crush kay JM at hindi pa nga niya nakilala ang aktor nang muling makita.

She has to Google his name at doon naalalang si JM at si Juan Miguel de Guzman na kilala niya ay iisa.         
Ang cute ng kwento ni Rhian na for two weeks, laman ng notebook niya ang name ni JM at may sinulat pa nga siyang Rhian de Guzman.

Pero walang dapat ikagalit kay Rhian ang fans nina JM at Barbie dahil hindi niya aagawin ang aktor kay Barbie.

Hindi raw niya priority ang lovelife, lalo at aalis siya end of November for New York.

Kaibigan, katrabaho at co-producer ang turing niya kay JM dahil co-producer sila ng Kung Paano Siya Nawala sa direction ni Joel Ruiz at showing nationwide sa November 14.

Dahil maganda ang naging working at business relationship nina Rhian at JM while doing the movie, open sila to work together again, depende sa material.

Pati director, production staff at co-producers at masuwerte ang dalawa na producers din ng movie ang TBA Studios, Tuko Film at Buchi Boy Entertainment.

“As co-executive producer of the movie, hindi importante sa akin ang box-office gross. Masaya na ako na nagawa namin ang movie na ito. Naging passion project sa amin ito, pero siyempre, mas maganda kung kikita,” sabi ni Rhian.