Rhian, bina-bash ng JM-Barbie fans

October 29, 2018
Rhian Ramos

Sa presscon ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala  ng TBA Studios na tampok sina Rhian Ramos at JM de Guzman, matatanong natin si Rhian sa reaction niya na bina-bash siya ng fans nina JM at Barbie Imperial.

Sobra ang pamba-bash sa aktres, lalo na noong mag-post siya ng photo at nilagyan ng caption na “Mag-sorry ka.”

Akala ng fans nina JM at Barbie, si JM ang tinutukoy ni Rhian na mag-sorry sa kanya at doon na nagalit ang fans nina JM at Barbie. Tanong ng fan, bakit siya magso-sorry, hindi naman sila ni JM? Saka, hindi raw siya gusto ni JM.

Ang maganda kay Rhian, hindi nagalit sa bashers at hindi  rin dinelete ang bashing sa kanya, kaya nababasa ng followers ni Rhian.  Katuwiran siguro ni Rhian, bahala kayong ma-stress, basta siya masaya.

Present din sa presscon si Joel Ruiz, director ng movie na showing sa November 14. Ito ang last movie ni Rhian na ipalalabas dahil sa November din siya lilipad for New York for a six-month acting course.