4,763 guests

Retokada

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 335

Present sina Susan Roces at Senator Grace Poe sa preview ng digitally restored and remastered version of Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, the only film together of the late Fernando Poe Jr. and Judy Ann Santos held at the Cinema One of SM City North EDSA last Thursday (August 17).

Of course, Judy Ann was also there.

Filmed 18 years ago na pala ang pelikula. But the copy shown to the audience ay wari mo’y bagong pelikula.

Well, thanks to Cinemo and ABS-CBN Film Restoration headed by Leo Katigbak.

Very relatable rin ang theme ng pelikula hanggang ngayon.

Maliban kina FPJ at Judy Ann, also in the cast of Isusumbong Kita … are Paquito Diaz at Berting Labra, who both passed away na.
    
Featured din si Anita Linda at introducing naman si Leandro Muñoz, na gumanap na leading man ni Judy Ann.
    
Of course, Leandro now lives with his family in the US.
    
Isusumbong Kita … was directed by the late Boots Plata, whose widow, Dolor Guevarra, manages the career of Susan Roces.
    
Star Cinema produced the movie.

* * *

Confirmed na nagpabago nga ng ilong ang isang kilalang singer-actress. Obvious na alam din ito ng kanyang equally popular boyfriend.
    
Someone close to the couple revealed na paminsan-minsan, ewan kung sa tuwa o whatever, pinipisil-pisil daw ng lalaki ang ilong ng kanyang girlfriend.

* * *

HABANG patuloy pa ring ginagampanan ni Ryza Cenon ang kanyang role bilang kontrabida sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7, common knowledge na she is no longer with GMA Artists Center dahil nasa Viva Artists Agency na siya.
    
Well, Ryza got her wish na maging bida sa movie na Ang Manananggal sa Unit 23B, isa sa 12 entries sa ongoing Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), chaired by Liza Diño-Seguerra.
    
Martin del Rosario is teamed up with Ryza in the movie.