5,423

‘Rejection’ hugot sa IG, nilinaw ni Xian

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 317

AMINADO si Xian Lim na medyo kinabahan siya noong first shooting day niya sa Miss Granny.

“Sabi ko, ‘makukulitan kaya itong mga ‘to sa akin? Ano bang iisipin nila when they see my personality?’ But Sarah (Geronimo), she’s really focused. I mean, given her stature na she’s a superstar, ‘di ba? Hindi siya ganu’n.

“She doesn’t make people feel her presence. She’s just there. And she’s welcoming everyone,” papuri ni Xian kay Sarah.

Ang Miss Granny ang first movie ng aktor sa Viva Films at sobrang excited daw niya na ipalalabas na ito sa Aug. 22 pagkatapos ng ilang buwan nilang pagsu-shoot.

“Although napanood ko na naman ‘yung original film, kumbaga, I’m excited na si Direk Joyce (Bernal) ang humawak ng pelikula. And natutuwa lang ako na it’s finally happening after how many months din.”

Noon pa ay dream na ni Xian na makatrabaho ang Popstar Royalty kaya sobrang happy siya na natupad na ito.

Pero sey ni Xian, more on family movie raw ang Miss Granny at hindi naman naka-focus sa romantic angle.

“But definitely meron din namang ganu’n flavor, kumbaga. Pero it’s more of pampamilya talaga.”

Samantala, nilinaw din namin sa aktor kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang hugot post sa Instagram kamakailan na tila may mga taong nagri-reject sa kanya.

Pero ayon sa aktor, in general ang post niya at parang nagbibigay lang siya ng inspirational message sa kanyang followers.

“Kasi I’m writing a book under Viva Publishing and I just want something inspirational na... kumbaga, I just feel na when life gets you down and kung marami ka mang rejection, I think, as an artist, you will really feel that.

“And that you shouldn’t give up. I think, I just felt na parang I had to share that with everyone... na you have to work hard and do what you have to do. ‘Yun lang,” paglilinaw ni Xian.

Hindi rin daw siya malungkot nu’ng time na ‘yun at nag-share lang daw talaga siya ng inspirational message.

Natanong namin kung isasama ba niya ang rumored girlfriend na si Kim Chiu sa premiere night ng Miss Granny at aniya, “Sana, dahil napaka-busy ng taong ‘yun.”

Definitely ay iimbitahan daw niya si Chinita Princess. Kahit hindi ito makasama, suportado naman daw ng aktres ang Miss Granny.

Showing na sa Aug. 22 ang Miss Granny at kasama rin nina Sarah and Xian si James Reid mula sa direksyon ni Joyce Bernal.