Regine remarkable ang mga ginawa sa GMA7

October 03, 2018
Regine Velasquez Alcasid

REMARKABLE ang mga programang ginawa ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez in her almost two decades na pamamalagi sa Kapuso Network (GMA).

Una niyang ginawa ang long-running musical variety show na “SOP” in 1997 na tumagal hanggang 2010 at ito’y pinalitan ng “Party Pilipinas” kung saan kabilang pa rin siya along with her husband na si Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya at iba pang mga Kapuso stars and talents.

Si Regine din ang nag-host ng reality singing competition na “Search for a Star” in 2003 kung saan si Rachelle Ann Go ang tinanghal na grand winner.  Other musical shows hosted by Regine for GMA include “Pinoy Pop Superstar” (2006-2007) kung saan naging produkto sina Aicelle Santos, Gerald Santos at Maricis Garcia.  Ginawa rin niya ang “Celebrity Duets: Philippine Edition” along with her husband na si Ogie Alcasid, ang “Songbird” in 2008, ang “Are You The Next Big Star” in 2009 at ang bagong nagtapos na reality singing contest na “The Clash” kung saan naman tinanghal na first grand winner si Golden Canedo.  She also hosted the weekly morning cooking show na “Sarap Diva’ which lasted for almost six years.  Nakagawa rin si Regine ng isang serye sa GMA tulad ng “Forever In My Heart” in 2004 kung saan niya nakabituin sina Richard Gomez, Dawn Zulueta at Ariel Rivera, ang “Darna” version ni Marian Rivera in 2009,” ang local adaptation ng Korean TV series na “Ako si Kim Sam Soon” opposite Mark Anthony Fernandez in 2008 at ang “Totoy Bato” in 2009 na pinagtambalan nila ni Robin Padilla.

Up to the time na siya’y kabilang sa Kapuso Network ay si Regine ang biggest talent ng GMA.

Wala pa mang official announcement na nagmumula mismo kay Regine, sa GMA Management at maging sa kanyang lilipatang Kapamilya Network, 100% sure na ang kanyang napipintong pagpirma sa bakuran ng ABS-CBN kung saan naroon din ang kanyang mister, ang singer-composer-comedian na si Ogie Alcasid maging ang kanyang step-daughter na si Leila Alcasid.