Regine pagod na ang boses?

November 10, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

REGINE Velasquez deserves the royal treament she is now getting from her new home network.

Pahupa na ang ingay sa pag-welcome kay Regine sa Kapamilya network. Kaya back to work na ang premyadong singer. Ayon sa balita, isa siya sa magiging judge sa Idol Philippines, na ang plug ay umeere na. This means that the talent search will start airing anytime soon.

Kung ano man ang ginawang pag-welcome ng ABS-CBN sa Asia's Songbird ay well-deserved nito. Pero marami ang nagsasabi na inasar lang daw ng Kapamilya ang Kapuso network dahil nakuha nito ang isa sa prime star ng huli. Well, enough has been said about her transfer. Kaya dapat tumigil na rin itong si Regine sa pagpatol sa mga basher dahil mauubos ang kanyang energy kung patuloy niyang sasagutin ang mga ito. What she needs to do now is work hard and prove her worth as ABS-CBN's latest asset. It's a common fact how the network takes the "business is business" mantra seriously. Dahil 'pag wala siyang maipasok na milyones sa kaban nito, tiyak na "she'll be dropped like a hot potato," sabi nga ng isa kong kaibigang writer.

High na high si Regine bilang Kapamilya. Pero napansin ko lang na parang pagod na ang kanyang boses. Uso pa ba ang biritan ngayon? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj @yahoo.com