7,367

Regine, na-trauma kay Lander

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 445

SA presscon ng nalalapit na Ignite concert ni Regine Tolentino sa SM Skydome on May 26 ay hindi namin siya naiwasang tanungin tungkol sa status ng annulment nila ng ex-husband na si Lander Vera Perez.

Ani Regine, ma-annulled na ang kasal niya kay Lander on June 3.

At dahil sa na-experience niya sa ex-husband, big no na raw sa kanya ang magkaroon ng partner from showbiz.

“Ayoko na. Ayoko na ng showbiz, hello! No way! Magulo. ’Di ba?

“Ang gusto ko businessman na lang or basta may sariling career. Basta non-showbiz talaga, utang na loob,” sabi niya sa amin.

Ano ba ang naging dilemma sa pagkakaroon ng showbiz husband?

“Maraming temptation. It’s a pride thing. Hindi regular ang trabaho. Tapos kahit papaano, nasa industry din ako, so somewhat, parang kompetensya -- sa rate at sa levelling and stuff like that -- you know what I mean? So, hindi na talaga. Mas okey na akong single kesa showbiz,” paliwanag niya.

Na-trauma ba siya kay Lander?

“Yes. Super,” madiin niyang sagot.

“Ayoko na talaga ng taga-showbiz. I learned my lesson the hard way for 18 years and then now, I’m ready, but no rush,” dagdag pa niya.

Friends ba sila ni Lander?

Sagot ni Regne, “No! Not at all. Hindi rin niya nakikita ’yung mga bata. There’s no communication whatsoever.”

Patuloy pa niya, “As far as kami ng mga bata, desisyon nila at sinusuportahan ko, na out na siya sa buhay namin.”

Wala rin daw move na ginagawa si Lander para makita ang kanilang 2 daugthers who are now in college and in high school.

“Pero ’yung anak ko sumusulat sa kanya, asking… kasi siyempre, ang mga anak ko nag-aaral sa Ateneo and I need support. At saka karapatan ng mga bata na may support from their father but I don’t get any support. Four years na rin yon since naghiwalay kami.

Aminado si Regine na mahirap i-shoulder ang lahat at maging isang single parent.

“It’s hard that’s why I don’t stop working. I have no choice. I’m alone. My parents, they live in Pampanga. And dito lang talaga kaming tatlo ng mga bata.

“Wala kaming inaasahan kundi ’yung work ko ngayon. Buti na lang I’m blessed with all these opportunity to earn, so hindi naman kami nawawalan kahit papaano,” kuwento pa niya.

“Naiisip ko nga, eh, kung wala akong work, ano’ng mangyayari sa mga anak ko? Paano sila mabubuhay? Saan sila mag-aaral?” napapailing na pahayag ni Regine.