Regine may palihim na hakbang para sa bashers

November 06, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

AYAW i-reveal ng Asia’s Songbird at misis ng singer-composer, hitmaker, TV host-comedian na si Ogie Alcasid ang kanyang move na may kinalaman sa kanyang mga bashers.  Ayon sa Songbird, may isa umanong grupo ang siyang gagawa ng action sa mga complaint na may kinalaman sa cyberbullying tulad ng nangyari sa kanya recently dahil sa sa ginawang paglipat sa Kapamilya Network.

Sa halip na magpaapekto sa bashers, mas naging positibo si Regine sa bagong journey bilang Kapamilya.

Magiging formal nang bahagi si Regine sa bagong ire-reformat na “ASAP” simula sa November 18.  Excited na rin siya sa pagsisimula ng kanyang kauna-unahang sitcom with husband na si Ogie kung saan kasama si Ian Veneracion.  Sa susunod na taon naman magsisimula ang local franchise ng “American Idol,” ang “Idol Philippines” kung saan siya uupo bilang isa sa mga hurado.

Hindi ikinakaila ng misis ni Ogie  na sobra umano siyang excited na makatrabaho ang mga Kapamilya stars, at isa ito sa major factors kung bakit niya nilisan ang dati niyang home studio, ang GMA na kanyang pinaglingkuran sa loob ng 20 taon.  Kanyang ipinaaalala na first and foremost ay isa siyang singer.  Ngayong magiging bahagi na siya ng bagong ASAP, may dahilan si Regine na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng mga bagong kanta, mag-vocalize regularly at hindi sa tuwing siya’y magkakaroon lamang ng concert.

Just the thought of working and performing with the Kapamilya stars and artists excite her no end.  Having duets and production numbers with Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, her husband na si Ogie at napakarami pang iba ay para nang vitamin para sa Songbird na lalong ganahan sa kanyang performance.

Iniwan man ni Regine ang kanyang former home studio, ang GMA, hinding-hindi niya umano makakalimutan ang 20 years nilang pinagsamahan and she could only wish continued success for the TV network at ang mga taong kanyang nakasama at nakatrabaho.

“Hinding-hindi ko sila makakalimutan,” diin ni Regine nang ito’y humarap sa entertainment media na ginanap sa 81 SeiHai in Quezon City last Sunday afternoon na may kinalaman sa kanyang three-day concert sa New Frontier Theater (dating KIA Theater), ang “Regine at the MOVIES” ngayong November 17, 24 & 25  kung saan niya magiging special guest performers sa magkakahiwalay na araw sina Piolo Pascual, Sharon Cuneta at Daniel Padilla.

“I am a Sharonian,” pag-amin ni Regine.  “Sino ba naman ang hindi humahanga sa isang Piolo Pascual? Si Daniel naman, na-impress ako sa kanya nang makita ko siya sa ABS-CBN Ball,” dugtong ni Regine.

Ang “Regine at the MOVIES”  ay co-production ni Regine and her sister-manager na si Cacai Velasquez-Mitra with ABS-CBN, her first joint venture with her new home studio.  Ito’y nakatakdang idirek ni Paolo Valenciano with Regine’s brother-in-law, Raul Mitra as the musical director.

Regine will be singing popular theme songs  mula  mga hit na pelikula both local and international tulad ng “Breakfast at Tiffany's,” “Evergreen” mula sa “Star Is Born,” James Bond movie theme songs,” What Becomes of A Brokenhearted” ng “The Bodyguard” at napakarami pang iba numbering to about 50 songs.  Sa kanyang three-night concert ay magkakaiba ang kanyang repertoire at special guest performer.  Si Piolo ang guest niya on November 17, ang megastar na si Sharon on November 24 at si Daniel Padilla naman on November 25.  

“Gusto ko munang mag-focus ngayon sa show ko na 'Regine at the Movies' at sa tatlong bagong show na sisimulan ko (sa ABS-CBN).   Saka ko na iisipin ang iba,” pahayag pa nito.

Aminado rin si Regine na kahit asawa na niya si Ogie at araw-araw niya itong kasama at nakikita, nai-excite siya sa unang sitcom na kanilang pagsasamahan.  Magkakasama rin ang dalawa sa bagong reformat na “ASAP” simula sa November 18.