Regine, host ng ‘Philippine Idol’ sa Dos

October 16, 2018
Regine Velasquez Alcasid

May hashtag na #RVAonABSCBN at #TheSongbirdIsNowAKapamilya ang contract signing ni Regine Velasquez sa ABS-CBN today.

Sa contract signing, malalaman kung ilang years ang kontrata ni Regine sa Kapamilya Network at kasama na sigurong ilalatag ang shows na gagawin niya sa ABS-CBN.

Malalaman din natin kung tama ang tsikang isa sa mga show na gagawin ni Regine sa ABS-CBN ay ang Philippine Idol.

Si Regine raw ang host ng singing competition na kung hindi kami nagkakamali, sa TV5 unang umere locally.

Samantala, nagpasalamat si Regine sa supporters niya kahit lumipat siya ng network. Sa Twitter niya idinaan ang pasasalamat.

Aniya, “Para sa lahat ng sumusuporta sa akin maraming maraming salamat sa pagtatanggol n’yo sakin naging kasama ko kayo sa lahat ng pinagdaanan ko. Sana ’wag kayong magsawa. Love you guys thank you again.”