Regine has mixed emotions on return to ABS-CBN

October 18, 2018
Regine Velasquez Alcasid

OFFICIAL nang Kapamilya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez (48) matapos itong lumagda ng two-year exclusive contract with ABS-CBN last Wednesday, October 17.

Mixed emotions ang naramdaman ni Regine nang siya’y muling tumapak sa bakuran ng Kapamilya Network dahil sa mainit sa pagtanggap sa kanya ng mga big boss, executives at empleyado ng TV network.  Very queenly ang ibinigay na pag-welcome sa kanya at binigyan pa siya ng red carpet treatment kaya hindi nito maiwasan ang maluha sa tuwa.

Pagkatapos ng kanyang momentous contract signing with the top guns ng ABS-CBN, tumuloy si Regine sa Dolphy Theater kung saan ginanap ang kanyang kauna-unahang grand presscon na bahagi pa rin ng grand welcome sa kanya.

Although naroon din ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid na nagbalik-Kapamiya in 2016, hindi ito sumali sa contract signing ng kanyang misis dahil naroon na rin naman ang sister-manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.

Sobra ring na-touch si Ogie sa napakainit na pagtanggap sa kanyang misis ng Kapamilya Network.

Samantala, ang official TV show na lalabasan ni Regine ay ang “ASAP Live in Sydney” na gaganapin sa ICC Sydney Theater at Darling Harbour, NSW this coming Saturday, October 20.  Pagkatapos nito ay mag-iikot na siya sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN  tulad ng “Magandang Gabi Vice” ni Vice Ganda, “Tonight with Boy Abunda,” “Umagang Kay Ganda,” “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” “I Can See Your Voice ” maging sa iba pang programa ng Kapamilya Network tulad ng “MMK,” “Ipaglaban Mo,” “Matanglawin” at iba pa.  Hindi rin malayong maging guest-patroller siya ng “TV Patrol”.

Among the programs na gagawin ni Regine ay ang “ASAP” kung saan isa siya sa gagawing co-hosts and regular performer, ang pagiging hurado ng local adaptation reality singing competition na “Idol Philippines” at isang musical-sitcom na pagsasamahan nila ng kanyang mister na si Ogie.

Super excited si Regine dahil makakatrabaho na niya ang mga Kapamilya stars and talents na matagal na niyang gustong makasama tulad nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Martin Nievera, ang mister niyang si Ogie, ang dati niyang mga kasamahan sa Kapuso Network na nasa bakuran na rin ng ABS-CBN tulad nina Jaya, Jay-R, Jona (Jonalyn Viray), Kyla at maging ang iba pang Kapamilya talents.

Ang mga programang gagawin ni Regine sa ABS-CBN ay first time niyang gagawin kaya ganoon na lamang ang kanyang excitement.

Muling pinasalamatan ni Regine ang dati niyang home studio, ang GMA na naging tahanan niya ng 20 years. Sinabi niya na personal siyang nagpaalam at nagpasalamat sa mga big boss ng Kapuso Network at sa mga taong nag-alaga at nakatrabaho sa dati niyang home studio.