Regine: Bullying is never okay

October 30, 2018
Regine Velasquez Alcasid

... Sharon, Piolo at Daniel, suportado ang Asia’s Songbird

MULING nagpakawala ng saloobin niya sa Instagram ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez laban sa kanyang bashers.

Sa mahabang post, sinabi ng misis ni Ogie Alcasid na masaya siya para sa dating istasyon na GMA Network at nag-congrats pa sa mga taga-Sunday PinaSaya at Kapuso Mo Jessica Soho dahil sa ratings.

Pero hirit niya, “... tutal sinasabi n’yong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan n’yo ako na wala akong utang na loob, wala akong loyalty (apparently 20 years can not be considered being loyal) na mukha akong pera. Maybe you guys can stop insulting me, my husband and my son.

“Lumipat lang po ako ng network, hindi ako pumatay ng tao. Again, I’m grateful for my 20 years in GMA. I made a lot of friends there and I have great memories being a Kapuso.

“Tutal naman po, nayurakan n’yo na nang bonggang-bongga ang pagkatao ko na para bang may nagawa akong masama sa inyo personally, you guys obviously HATE me gets ko na po.

“Gets ko rin na hindi n’yo papanoorin ang mga show na gagawin ko sa ABS, tanggap ko na po ’yun  at wala naman pong pilitan ito. Free TV po ito, walang bayad we are all here to provide you entertainment FOR FREE!!! So sa madaling salita, kayo ang panalo dito. nagmamahal kapamilya Regine.”

Kung si Ogie, simple ang naging reaksyon sa pinost ng asawa, si megastar Sharon Cuneta, nag-comment ng napakahaba.

Pero ang long and short of it ay pinatototohanan niya kung gaano kabuting mga tao ang mag-asawa.

Anyway, sa sumunod na post ng Songbird, in-address naman niya para magpasalamat ang tinawag niyang “supporters, baklang kawal” at mga kaibigan.

“Please don’t worry about me,” dagdag ni Regine,  dahil aniya, okay lang siya.

“Hindi tayo bato, tao po tayo. Bullying is never ok kahit ano pang style at anong shape or form pa ’yan,” parte ng post niya.

Hindi umano masamang ipagtanggol ang sarili at ang tolerance ay may hangganan din.

Ang alam namin, isa sa mga araw na ito ay magkakaroon ng presscon si Regine. Siguradong isa ito sa mga isyu na kakalkalin sa kanya ng showbiz writers.

Samantala, puro man ng kontrobersiya, hindi nalilimutan ng mag-asawa na i-promote sa socmed ang upcoming concert ng Songbird na Regine at the Movies.

Ang three-night series ay nakatakda sa Nov. 17, 24 at 25 sa New Frontier Theater (formerly Kia Theater).

Parte ng repertoire ng singer ang ilang kanta mula sa iconic movies niya, pati animated films ng Disney at Pixar, James Bond films, classic films ng Henry Mancini era at timeless classics tulad ng Pretty Woman at Barbra Streisand films.

Sobra nga raw bongga ang concert series dahil tatlong magkakaibang guest ang ipi-feature bawat gabi: Piolo Pascual sa Nov. 17; Sharon sa Nov. 24; at si Daniel Padilla sa Nov. 25.

Ang bayaw niyang si Raul Mitra ang tatayong musical director sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano.