Regine bana-bash dahil sa paglipat sa ABS-CBN

October 20, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

SA kabila ng mga negatibong komento ng bashers kay Regine Velasquez dahil sa paglayas sa GMA at paglipat sa ABS-CBN, nananatili pa ring positibo ang misis ni Ogie Alcasid maging ang kanyang followers and supporters na tama ang naging desisyon nito. Mas magagawa raw niya ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa sa dati niyang home studio.

Singing will always be a passion for Regine na hindi na niya naipapamalas sa kanyang TV audience magmula nang mawala sa ere ang “SOP” at “Party Pilipinas”.  Hindi na siya umanib noon nang gawin itong “Sunday All Stars” na matagal na ring nagpaalam sa ere.

Now that Regine is already part of ABS-CBN’s top-rating and  longest-running Sunday musical show, “ASAP,” hindi lamang maipapakita ni Regine ang kanyang talent sa pagkanta at paghu-host kundi makaka-trabaho pa niya hindi lamang ang kanyang mister na si Ogie Alcasid kundi maging  ang mga pinaka-sikat at pinakamahuhusay na singers-performers  ng bansa at ng Kapamilya Network bagay na matagal nang pinapangarap ng songbird. Nasa ASAP na rin ang dati niyang mga kasamahan sa SOP at Party Pilipinas tulad nina Jaya, Jay-R, Kyla at Jona (Jonalyn Viray) at kung minsan ay nagi-guest din sa programa ang Star Music recording artist na si Janno Gibbs na lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) last Thursday afternoon.