5,919

Regine apat na taon nang hiwalay sa mister

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 462
Regine Tolentino Regine Tolentino

APAT na taon na palang hiwalay ang dance diva na si Regine Tolentino sa kanyang asawang si Lander Vera Perez. Pero wala tayong naririnig na ano mang alingasngas tungkol sa kanila.

“Kasi naman tahimik lang ang paghihiwalay namin,” katwiran ni Regine nang makausap natin sa presscon ng The Beach Fitness Dance Party na magaganap sa Aureo Beach Resort sa San Fernando, La Union sa April 28.

Dalagita na rin ang dalawang anak ni Regine na sina Azucena Reign at Alysandra Reign, pero napanatili niyang 26 inches pa rin ang kanyang baywang.

“Malalaman ninyo kung paano kapag a-attend kayo ng first ever Fitness Dance Party kung saan special guest ako nina Reymond de Guzman at creative director nilang si Degree.

“We also invited 1,000 zumba enthusiasts to participate in the one day run na ngayon lang mangyayari sa ating bansa at siyempre pangungunahan ko rin para sa activity kung saan all of us can just enjoy in our most comfortable swimsuit outfit and dance to our heart’s

desire,” patuloy ni Regine.

Actually, ang malaking event na ito ay dapat maganap sa Boracay. Pero katulad ng alam ninyo, magsasara nga ang Boracay.

Natuklasan tuloy nila na sangkatutak pala ang magagandang beaches dito sa ating bansa. At isa na nga itong Aureo Beach Resort na tatakbuhin lang ng sasakyan ng apat na oras mula sa Maynila.

Katulad ng G-Force na si Teacher Georcelle Dapat-Sy ay mayroon pala tayong katulad ni Regine Tolentino na maglalakbay din sa iba’t ibang beaches sa ‘Pinas para ipakita ang kanyang expertise sa pagsasayaw.

ANAK NI PACQUIAO NAHULING KA-DATE NI HEAVEN

BINATILYO na pala ang panganay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Emmanuel Pacquiao, Jr. Naispatan daw ang panganay ni Manny na kasama si Heaven Peralejo on a date.

Ngayon lang natsismis ang panganay ni Manny sa isang artistang babae, kaya’t big deal ito agad. Eighteen years old si Heaven (nag-debut siya kailan lang) samantalang seventeen naman ang anak ni Manny.

Kung hindi pa pamilyar sa inyo si Heaven, siya 'yung naging controversialsa Bahay Ni Kuya noong panahon nina Maymay at Edward.

Nag-voluntary exit siya dahil naospital ang kanyang mommy at nanganib ang buhay nito.

Sa kasalukuyan, nasa cast si Heaven ng teleseryeng “Sana Dalawa Ang Puso” pero bago rito, naging bida siya sa Wansapanataym bilang kasama ni Janella Salvador.

Sa totoo lang, malakas ang sex appeal ni Heaven, kung kaya’t hindi kataka-takang maakit sa kanya ang panganay ni Manny Pacquiao.

MAYMAY AT EDWARD 'DI NA DAPAT PILITIN

HUWAG na sana nating ipilit na ma-inlove sa isa’t isa sina Maymay Entrata at Edward Barber, dahil napakaganda na ng kanilang samahan bilang best of friends.

Sa premiere night ng “Da One That Ghost Away,” na palabas ngayon sa maraming sinehan ganun pa rin sila Maymay at Edward. Iyon na nga lang, hindi sila masyadong nabigyan ni direk Tony Reyes ng magandang exposure sa pelikula. Sayang. Maraming fans nila tuloy ang sobrang na-disappoint.

Mas napansin tuloy si Melai Cantiveros na hinahalakhakan na ng mga nanood sa premiere night pa lamang.

Hindi rin naman pala magka-loveteam sina Kim Chiu at Ryan Bang. Pero labis na natuwa ang mga tagahanga ni Kim. Talagang tawa nang tawa ang mga manonood.

Tama ring hindi nag-expect ng magandang kuwento ang moviegoers dahil tulad ng pelikulang “The Revengers Squad” ni Vice Ganda na kumita ng mahigit kalahating bilyon noong nakaraang Metro Manila Film Festival, ang hinihintay ng tao ay walang puknat na tawanan.

Kaya naman mahigit P8 million ang kinita ng “Da One That Ghost Away” on it’s first day pa lamang.