Regal, ibabalik ang sexy movie

September 25, 2018
Sanya Lopez

Pagkatapos mapanood ang trailer ng Regal Entertainment movie na Wild & Free, may nag-comment na parang Philippine version ang pelikula ng foreign movie na Fifty Shades of Grey. Kailangan bang ma-pressure nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa comment?

Sa mga nababasa pa rin naming comments, excited na ang tao na mapanood ang Wild & Free dahil matagal na raw silang hindi nakakapanood ng sexy movie.

Hindi raw nila palalampasin ang showing ng movie na magsisimula sa October 10. May nag-comment din na hindi nila palalampasing mapanood sina Derrick at Sanya sa kanilang first mature and daring role.

Kung may ninenerbyos man sa mga bida, si Sanya ’yun dahil first movie niya ito at sexy agad ang tema. Matitindi ang kissing scene nila ni Derrick at may love scenes pa, pero kung magiging successful ang movie, sila ni Derrick at ang Regal ang magpapabalik sa sexy movie.

Tama lang ang October 10, playdate ng Wild & Free dahil that time, tapos na ang rom-com series na Inday Will Always Love You na pa-wholesome pa si Derrick. Si Connie Macatuno ang director nang nabanggit na pelikula.

Tagged Under