Rayver, naglalagare sa 2 Kapuso shows

October 06, 2018
Rayver Cruz
Rayver Cruz

Inililihis ni Rayver Cruz ang anumang kata-nungang ibinabato ng press sa kanya tungkol sa girlfriend niyang si Janine Gutierrez na leading lady naman ni Alden Richards sa primetime show na Victor Magtanggol na napapanood weeknights pagkatapos ng 24 Oras.

Kinukulit siya ng press sa mediacon ng Studio 7 kung saan bahagi si Ray-ver ng magsisimulang musical variety show ng Kapuso Network at gus-tong malaman ng mga reporter kung anong estado na ng kanilang relasyon.

“I’m really excited for Studio 7,” pag-iwas ng utol ni Rodjun Cruz. “It’s the best show. I love you, guys!”

Sa tanong kung willing siyang makatrabaho si Janine sa mga susunod niyang project sa GMA, ani Rayver, hindi raw siya namimili ng leading lady.

“Kahit sino naman, okay sa akin. Whether si Janine o kung sinumang leading ladies ng network, walang problema sa akin. Excited naman ako to work with everyone,” tinuran pa ng Kapuso hunk.

Maliban sa Studio 7 na mapapanood na simula sa Sunday, October 14 at 7:40 in the evening, nagsimula na rin si Rayver mag-taping ng Asawa Ko, Karibal Ko with Kris Bernal and Thea Tolentino which is scheduled to air on October 22 sa Afternoon Prime replacing The Stepsisters na magtatapos naman sa October 19.

“Masaya! Sobrang sakto lang. Happy ako na merong ganitong show ang GMA. Kasi nga masho-showcase ko pa rin ‘yung aking talent. Happy kasi akong mag-perform, so, makapag-sasayaw ulit ako,” sambit ni Rayver.