Rayver, at home agad sa GMA

October 21, 2018
Rayver Cruz

Super happy ang Kapuso heartthrob na si Rayver Cruz dahil dalawang magandang proyekto agad ang suma-lubong sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.

At home agad siya sa GMA dahil sa mga blessings na dumarating sa kanya at mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kapwa-artista.

Isa siya sa inaabangan pag-dating sa pagpe-perform sa Studio 7 tuwing Linggo. Hindi lang iyan, dahil isa rin siya sa mga bida ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Excited na siya na mapanood ng Kapuso viewers ang kanyang first serye sa network dahil sa kakaibang storya at magandang aral na mapupulot nila rito.

Magsisimula na ngayong Lunes, October 22, ang Asawa Ko, Karibal Ko kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino.