Ralph at Vilma, hindi na mainit ang relasyon

November 03, 2018
Vilma Santos
Vilma Santos

Kasabay ng kaarawan niya kahapon (Nov. 3) ay ang airing ng guesting ni Star For All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos sa The Bottomline ni Boy Abunda kagabi.

We were there habang nagti-taping si Ate Vi ng nasabing guesting kung saan ay sinagot ni Ate Vi ang mga katanungan sa kanya, mula sa kanyang career (political and showbiz) hanggang sa personal niyang buhay.

Isa sa naitanong nga ni Kuya Boy sa Star For All Seasons ay kung paano nila napapanatili ng mister na si Sen. Ralph Recto ang init ng kanilang relasyon.

Vi was very honest to say na hindi na kasing-init ng dati ang kanilang relasyon.

“Siyempre, hindi na kasing-init noong araw, Boy, if you know what I mean,” natatatawang sabi ni Ate Vi.

“But at the end of the day, you know, sa relationshipm  it’s not just sex, it’s not just love. It’s the respect. Kasi, if you respect your partner, everything follows, Boy. Mamahalin mo siya kung ano siya, pagkukulang niya, kasi nirerespeto mo siya.

“So, I think, respeto ang nagpapatagal sa relasyon,” seryosong wika ni Ate Vi.

Nami-miss na rin ng showbiz ang Star For All Seasons dahil huling project pa niya ay ang pelikulang Everything About Her noong 2016.

Pero mukhang malabo pang makagawa ulit ng bagong project si ate Vi dahil nga magiging busy siya sa campaign hanggang sa eleksyon sa May, 2019. As we all know, nag-file na ng kanyang COC (Certificate of Candidacy) para sa kanyang pangalawang termino bilang Congressman.