Pulitika namumutiktik sa mga taga-showbiz

October 17, 2018

SA buwan pa ng Mayo 2019 ang mid-term elections, pero ngayon pa lamang ay ramdam na ramdam na ang simoy ng pulitika sa ating kapaligiran.

Ang magkapatid na Herbert Bautista at Hero Bautista ay nakapag-file na rin ng kanilang respective COCs. Ang Quezon City incumbent mayor na si Herbert now serving his third and final term as mayor ay kakandidato sa pagka-kongresista sa isang distrito ng siyudad habang reelectionist councilor naman ang nakababata nitong kapatid na si Hero na muling tatakbo sa pagka-konsehal ng ika-5th district ng QC.

Ang dalawa pang konsehal ng QC na sina Roderick Paulate (2nd district) at Gian Sotto (3rd district) ng QC ay maglalaban sa pagka-vice mayor ng siyudad with Roderick as running-mate of Chuck Mathay habang si Gian bilang running mate ng incumbent vice-mayor na si Joy Belmonte na siyang kandidato ngayon sa pagka-mayor to replace Mayor Bistek (Herbert).

Magiging abala ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa kampanya ng kanilang amang si incumbent vice-mayor ng Taytay, Rizal na si Carlito Gonzaga na kandidato ngayon sa pagka-mayor ng nasabing town.  Dalawa naman ang ikakampanya ni Alex dahil bukod sa kanyang ama, susuportahan din niya ang pagkandidato ng kanyang boyfriend na si Mikee Morada na tatakbo naman sa pagka-konsehal sa kanilang lugar sa Lipa, Batangas kung saan nag-mayor sa loob ng tatlong termino (9 years) ang tinaguriang Star-for-All Seasons na si Vilma Santos, now seeking reelection bilang kinatawan ng ika-6th district ng Batangas habang nanungkulan pa rin bilang senador ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto.

Ang dating  taekwondo champion, action star-turned-representative of the 1st district of Makati na si Monsour del Rosario ay candidate ngayon sa pagka-vice mayor ng Makati at siya ang magiging running mate  ng dating Makati mayor na si Jun-Jun Binay na magiging kalaban naman ng kanyang ate, ang incumbent mayor na si Abigail Binay for the same position.  Kung hindi kami nagkakamali, first time ito sa kasaysayan ng Makati at sa buong political history ng Pilipinas na maglalaban sa isang posisyon ang magkapatid.  Tatakbo naman sa pagka-congressman, ang dating aklalde ng Makati at dating Vice-President na si Jejomar Binay na tila walang nagawa sa `sigalot’ ng dalawang anak.  Ayon kay dating VP Binay, “Let the people in Makati decide.”

Ang mga incumbent congressmen na sina Yul Servo at Alfred Vargas ay tatakbo rin bilang re-electionist sa kanilang respective districts in Manila and Quezon City.

Kandidato naman sa pagka-governor ng Bulacan ang incumbent vice-governor na si Daniel Fernando.