Pulang kapa, mas type ni Ai-Ai sa paggaya kay Jennifer Lopez

November 02, 2018

Umani ng katakut-takot na likes ang post ni Ai-Ai de las Alas na larawan ni Jennifer Lopez in a “barely-there” dress, na ayon sa Comedy Queen, gagayahin niya.

Ang nasabing larawan ni JLo ay mula sa cover ng Instyle Magazine for December 2018 issue kung saan ay makikitang half-naked ang sikat na American singer at naka-expose ang right leg at side boob wearing just a green cape.

Caption ni Ai-Ai sa picture ni JLo, kahit ma-bash siya, gagayahin niya ito kahit ano ang mangyari.

“Good morning ... ang aga-aga pero gusto ko lang i-share and heads up na gagayahin ko ’to kahit anong mangyare hehe... natakot ba kayo?

“Tamang-tama Nov. 1 ngayon hehe... mema lang, pero seryoso, gagayahin ko ’to kahit ma-bash ako hehe.

“Ps nabasa ko ang mga comment and natawa and natuwa ako talagang papagawa n’yo sa ’ken to so dahil may go signal ako sa mga follower ko, itutuloy ko na talaga,” ang pahayag ni Ai-Ai.

Sa comments section ay maraming nagpu-push sa Comedy Queen para ituloy ito.

Anila, makinis naman ang katawan niya kaya for sure ay kering-keri niya ito.

Ang dami ring nagsabing aabangan nila ang pasabog na ito ni Ai-Ai na kapag natuloy, magpapagawa raw siya ng pulang kapa imbes na berde.

Pero siyempre, may mga kumontra rin at may isa ngang nagkomento na, “Wag @msaiaidelasalasmataas tingin ko sa ’yo, maraming priest magtatampo sa ’yo.”

Biro tuloy ni Ai, iba-block muna niya ang mga kaibigang pari.

Bandang huli, sinabi ng komedyana na pag-iisipan niya ito nang 100 times at hihingin ang desisyon ng mister na si Gerald Sibayan.