Professional

November 04, 2018
Janella Salvador and Elmo Magalona

Janella at Elmo, halatang awkward sa Canada concert.

Ipinakita nina Janella Salvador at Elmo Magalona ang kanilang pagiging professional sa nakaraang One Magical Night concert tour sa Canada kasama ang KathNiel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa mga larawan at video na nakita namin sa social media na ipinost ng mga ElNella fans, hindi mo mahahalatang magkaaway ang dalawa lalo na nga sa duet nila na Born For You.

Kaya naman pinuri-puri ng netizens ang professionalism ng dalawa but at the same time ay marami ring nanghihinayang sa loveteam nila.

Ang iba namang ElNella fans ay nag-comment na ang sakit-sakit daw para sa kanila ang mga nasabing larawan dahil alam nilang nasasaktan din ang kanilang idolo.

“Ganda ng duet nila kahit medyo awkward. Ganda ng boses ni Janella buo hindi flat and she dances gracefully. More concert project for this girl. She will go far,” komento ng isang netizen.

Matatandaang nagkaroon ng falling out sina Janella and Elmo and recently nga ay ini-reveal ng young actress na sinasaktan siya physically ng ka-loveteam.

Sinabi rin ni Janella na ayaw na raw niyang makatrabaho si Elmo kaya marahil ito na ngang nakaraang concert tour ang last pagsasama ng ElNella.

Pero marami pa rin naman ang umaasa at nagdadasal na sana’y maayos ng dalawa ang  kanilang gusot at magkabalikan pa rin.