3,651 guests

Poser

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 392

Twitter account na may pangalan ni Ate Vi, peke!

Ellen at Lloydie, nag-bonding sa hotel

LUMUTANG ang isyu matapos ang budget deliberation ng Kongreso last Tuesday na isa si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mga bumoto na bigyan ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights (CHR).

Inalmahan ito ng anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa inilabas niyang tweets.
    
“First, my mom is against the 1k budget of the CHR. Second, she wasn’t able to vote since she was about to be confined and was/is under medication,” unang tweet ni Luis.
    
Ibinahagi rin ng TV host-actor ang text ni Cong. Vi sa anak ng panig niya sa lumabas na report.
    
“Am against cutting the budget of CHR. They have a duty to perform as mandated by the Constitution. With so much crimes/EJK -- they need more resources to these investigations.
    
“Ito ay isang ahensya na tumutulong pang tao. I wasn’t able to attend yesterday’s hearing cause I had an ulcers attack. Am under medication. But will work today!!! Thanksss Anak!”
    
May kinalaman ang pekeng account sa Twitter gamit ang pangalan ng kongresista sa paninira sa kanya.         
    
Nilinaw ni Luis na hindi sa ina niya ang account na ’yon.
    
“My mom clarified that she is not using this account (@vilmasrecto) nor anyone from her team,” post ni Luis.
    
Dinagdag na rin niya ang paghingi ng paumanhin sa sobrang “s” ni Ate Vi sa pahayag niya.
    
“She always makes lambing with extra ‘s’,” parte pa ng tweet niya.
    
Sa isang interview naman, ipinagtanggol din ni Luis si John Lloyd Cruz sa kinasangkutang kontrobersya kaugnay ng nag-viral na photos at videos nila ni Ellen Adarna at mga kaibigan sa Bantayan Island, Cebu.         Nagkasama sa pelikulang In My Life sina Luis at JLC kasama si Ate Vi.
    
Samantala, kahapon ay naglabas uli si Ellen ng “bonding moment” nila ni John Lloyd sa kanyang IG account.
    
Kumpara sa naglabasang pics at vids dati, mas “wholesome” ang dating nito dahil usapang “aso” o guard dog sa isang hotel ang topic.
    
Ang catch ng bonding moment? Pabirong sinabi ng bantay sa hotel na “John Lloyd” din ang pangalan ng guard dog na mas type si Ellen kesa sa aktor, huh!

* * *

PINANGARAP ng baguhang young actress na si Sue Ramirez ang magkaroon ng bonggang 18th birthday.  ’Yun nga lang, sa edad na 17, namatay ang kanyang ama. Kaya sa halip na mag-debut, bumiyahe na lang siya upang mapawi ang depresyon.
    
Ibinahagi ni Sue ang malungkot na kuwento sa grand presscon ng The Debutantes, kung saan sinugalan siya ng Regal kasama sina Miles Ocampo, Michelle Vito, Channel Morales at Jane de Leon sa stardom.
    
“Ang pagkakahawig siguro ng character ko sa movie sa akin ay ang lost of a loved one. I lost my dad at 17. Isa rin ’yon kaya hindi ako nag-debut. Pangarap kong isayaw ako ng daddy ko sa debut.
    
“Pero hindi na po siya umabot kaya hindi ko na tinuloy,” pahayag ni Sue.
    
Mula sa direksyon ni Prime Cruz ang The Debutantes ng Regal Entertainment na mapapanood na sa Oktubre 4.