5,193 guests

Piolo, ‘panakip-butas’ kay John Lloyd

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 498

PIOLO Pascual tries comedy  on “Home Sweetie Home.”

Sa sitcom,siya ay pansamantalang nakikitira sa bahay nina Julie (Toni Gonzaga) at Romeo (John
Lloyd Cruz). Ipinasok ang kanyang karakter habang naka-indefinite leave si John Lloyd. Dahil dito,
pansamantalang nawala sa eksena ang ilang cast tulad nina Ellen Adarna at Ogie Diaz. At ang
pagkakapasok naman ng karakter ni Rufa Mae Quinto.
    
Hindi ito ang unang sitcom ni Piolo. Matatandaan na naging parte rin siya noon ng sitcom na
“Bora” kung saan nakasama niya ang Kapamilya hunks na sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Carlos
Agassi at Luis Manzano. Doon din niya nakasama si Pia Wurtzbach. Kaya hindi bago sa kanya ang comedy.
Magandang pambalanse ito sa kanyang career dahil naipapakita niya ang lighter side ng pagiging Papa P.
Nakaka-ilang episode na rin siya sa nasabing sitcom at maganda naman ang feedback sa pagkakasali niya
rito. Sa totoo lang, hindi na naming maramdaman ang pagkawala ng karakter ni Lloydie. Pero siyempre
pilit pa rin nilang itinatawid ang show habang wala ang actor sa pamamagitan ng mga flashback. Ito ay
para patunayan na may babalikan pa ring show si Lloydie.
    
Ang tanong lang dito ay kung babalik pa ba si Lloydie sa sitcom. ‘Pag nangyari ito, papayag ba
si Piolo na maging tuluyang kapalit ni Lloydie sa “Home Sweetie Home”? Just asking…

RUFA MAE, THREAT KINA POKWANG AT MELAI?

ARIBA ngayon itong si Rufa Mae Quinto sa Kapamilya Network.
    
Matapos manganak, muling bumalik sa showbiz ang comedienne. At pinili niya ang nasabing
network bilang bago niyang tahanan sa kanyang pagbabalik. Walang bago sa kanyang brand of comedy. Pero
in fairness, click pa rin ang kanyang pagpapatawa. Timing ang kanyang pagbabalik-showbiz dahil naka-
maternity leave itong si Pokwang na itinuturing na prime comedienne ng ABS-CBN; habang si Melai
Cantiveros na homegrown comedienne ay abala naman sa pagiging host ng Kapamilya morning show na
“Magandang Buhay.” Kaya solo ni Rufa Mae ngayon ang pwesto sa pagpapatawa.
    
Regular na siyang napapanood sa “Home Sweetie Home.” Magandang exposure ito sa kanya dahil
maganda ang ratings nito bukod pa sa ito lang ang tanging sitcom ng ABS-CBN sa primetime ngayon.
Kasama rin siya sa bagong episode ng Kapamilya fantaseryeng “Wansapanatym” na nagsimula last Sunday.
Ilang beses na rin siyang nabigyan ng pagkakataon na mag-drama gaya ng kanyang episode sa legal drama
na “Ipaglaban Mo.” Mukhang todo na talaga ang pagiging Kapamilya ni Peachy sa mga sunod-sunod na
project na ibinibigay sa kanya.
    
Mas totodo pa kaya ang career ni Rufa Mae kung sasabak din siya sa teleserye? Just asking…

Disclaimer:
    
Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just
Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.