Piolo naba-bash dahil kay Shaina

September 25, 2018
Piolo Pascual

“Bola ang dadalhin ko,” pagbibiro ni Piolo nang matanong kung sino ang girl na dadalhin niya sa nalalapit na ABS-CBN Ball.

Seriously, sino nga ba talaga ang magiging partner niya? Siyempre, ang dami rin kasing curious na malaman ito.

“Traditionally naman, I’m with...” hindi na niya tinuloy and said “mahirap kasi ’pag nagsasalita ka tapos it’s taken out of context so, siguro, kasama ko si... ’yung anak ko (Inigo Pascual),” sabay-tawa.

“So, kung sino man ang kasama ko afterwards, bahala na si Batman. Pero there’s a tradition that we do every year, but let’s cross the bridge when it’s built,” pagbibiro pa rin niya.

Posible bang si Shaina Magdayao ang partner niya?

“Bina-bash kasi ako ’pag nagsasalita ako about Shai (tawag niya kay Shaina) so, ayoko na lang magsalita, bahala na. Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit mag-salita, baka pumatol ako, eh, kaya ayoko na lang magsalita,” ani Piolo.

Paano nga ba niya hina-handle ang mga bashers?

“Pinagdadasal ko sila para tumahimik sila,” aniya.

Pero siyempre, may mga pagkakataon na sumasagot din siya pero binubura rin naman daw niya.

“Kasi minsan, masa-saktuhan ka na wala ka sa mood, eh. Eh, ’yung family ko, diretso sagot agad, so pag nai-stress ako sa kanila, so pag sumagot ako, pag nasilihan na ’yun, even the fans also. So, huwag na lang. So, dasal, ayun lang.”

Ang anak din niyang si Inigo ay hindi rin nakakaligtas sa pamba-bash and every now and then ay may issue ito sa haters and bashers.

“Sumasagot ’yun, eh. Mas sumasagot pa sa akin ’yun, eh. Pinapagalitan ko. Sabi ko, ‘easy ka lang, you don’t have to be pikon, at the end of the day, they just want your attention’,” sey ni Papa P.

Tulad nga raw ’yung nangyari kamakailan na nag-post si Inigo about street children at nagkomento na “huwag manganak kung hindi maaalagaan,” na-bash nang katakut-takot ang young actor/singer. 

“Sabi ko sa kanya, ‘huwag ka na lang sumagot kung hindi mo kayang ano...’ Eh nang-aaway, eh. Laking Amerika.”

Ang lagi raw niyang payo sa anak, “choose your battles, huwag mo patulan lahat, don’t share your thoughts on Twitter, or Instagram or Facebook. Kung may gusto kang sabihin, sarilinin mo na lang, you know, with closed set of friends. Para walang judgment.”

Nakausap namin si Piolo with some members of the entertainment press sa mediacon held last Monday night para sa bagong project ng SunPIOLOgy in celebration of its 10th year.

Masayang-masaya ang aktor na umabot na sa ika-10 taon ang charity sporting event na ito from Sun Life Philippines kung saan ay ang aktor din ang ambassador.

Sey nga niya, “it’s not something you asked for – to be partners with a brand na talagang who believes in the same cause, it’s definitely a blessing for me.”

He added, “since they believe in my advocacy, mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob to help more people and use my platform, to be able to use my influence and just share whatever you have.”

At dahil nga 10 years na ang SunPIOLOgy, tatlong events ang nakatakdang ganapin to raise funds for education, diabetes, awareness and help more Filipinos live healthier lives.

Dubbed as “SunPIOLOgy Trio,” ang tatlong events na magaganap ay: Sun Cycle PH on Nov. 17 at Bonifacio Global City, Sun Life Resolution and Sun Vs. Stars with Star Magic both happening on January 26, 2019 at Camp Aguinaldo.

Tagged Under