Piolo, atat pa rin kay Judy Ann

October 07, 2018
Piolo Pascual

Masaya si Piolo Pascual sa nangyayari ngayon sa lovelife ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion.

“Siyempre naman, ba’t naman hindi? We always want happiness for everyone. And I really wish her well, you know. She deserves it,” pahayag ni Piolo nang huli naming makatsikahan sa presscon para sa kanyang SunPIOLOgy Trio.

Marami rin ang nagre-request na pagsamahin silang muli ni KC sa isang TV series or pelikula. Willing ba siya if ever?

“Let’s cross the bridge when it’s there,” nakangiti niyang sambit.

May communication pa ba sila?

“Once in a while, I guess. Once in while,” saad niya.

At this point ay nata-nong na nga rin sa kanya kung kailan ba matutuloy talaga ang reunion movie nila ni Judy Ann Santos at aniya ay naghihintay lang daw siya kay Juday.

“It’s not up to me. I already told Juday, whenever she’s ready. So, that’s just there. Sana po, sana, sana, sana naman, bago kami tumanda,” aniya.

Marami na raw mater-yal na naghihintay para sa reunion movie nila at kahit nga raw ang bossing ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ay may naisip ding story para sa kanila.

Talaga lang daw ang pag-oo na lang ni Juday ang kulang para matuloy ang kanilang balik-tambalan.