6,288

Pinay singer binigyan ng standing ovation sa Ireland

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 645
Shaniah Rollo Shaniah Rollo

BINIGYAN ng standing ovation ng apat na judges ng Ireland Got Talent ang 13-year-old Filipina (based in Dublin) na si Shaniah Rollo na umawit ng “True Colors” ni Cyndi Lauper sa audition.

Ang apat na judges sa franchise ng “Got Talent” in Ireland ay binubuo nina Lousen Walsh, Denise van Outen, Michelle Visage at Jason Burne with Lucy Kennedy hosting the show.  Ito’y nag-pilot sa nasabing bansa last February 3, 2018.

ITALIAN-FILIPINO ROMANCES IN SHOWBIZ

KUNG magkakatuluyan, mukhang iisa ang magiging kapalaran ng comedienne-TV host na si Eugene Domingo at ang aktres na si Ina Feleo (anak ng actress-director na si Laurice Guillen at namayapang actor na si Johnny Delgado) na si Ina Feleo dahil parehong Italian nationals ang kanilang respective boyfriends.

Si Danilo Bottoni (56) ang Italian boyfriend ni Eugene habang ang Italian businessman naman na si Giacomo Gervasutti ang nobyo ni Ina.

Kapag sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang magkatuluyan, mahahaluan din ng Italian ang dugo ng kanilang magiging supling dahil may Italian blood si Matteo, his father being an Italian national.  May lahing Italian din ang actor na si Paolo Contis na nobyo ngayon ng Kapuso actress na si LJ Reyes.

AI AI SUWERTE SA BATANG MISTER

MUKHANG suwerte sa singer-comedienne-actress-entrepreneur na si Ai-Ai de las Alas ang kanyang batang mister na si Gerald Sibayan. Patuloy kasi ang dating ng blessings sa kanya mula nang magsimula silang magkaroon ng relasyon hanggang sa kanilang pagpapakasal last December 12, 2017.
    
Bukod sa hindi nawawalan ng mga product endorsements si Ai-Ai, may dalawa itong regular TV shows sa GMA, ang Sunday musical-comedy show na “Sunday Pinasaya” at ang bagong simulang serye na “Sherlock Jr”.  Balitang isa rin si Ai-Ai sa mga tatayong judges sa bagong  reality show na “The Clash”   hosted by Regine Velasquez.
    
Isa na ring restaurateur si A-Ai.

JULIAN PATULOY NA ISINUSULONG NG VIVA

MAY potential ang five young boys ng Viva Artists Agency (VAA) na sina Julian Trono, Vitto Marquez,  Andrew Muhlach, Jack Reid at Dan Hushcka. Pinagsama-sama sila sa isang fun and youth-oriented movie, ang

“Squad Goals #FBOIS” na dinirek ni Mark Meily for Viva Films.
    
Si Julian ay ni-launch ng Viva Films last year  along with Ella Cruz sa feel-good movie na “Fangirl/Fanboy”. But back in 2009 ay nagsimula siya sa GMA bilang isa sa hosts ng children’s show na “Tropang Pochi” at nung 2010 ay naging bahagi naman siya ng now-defunct “Party Pilipinas” kung saan niya naipakita ang kanyang husay sa pagsayaw at pagkanta.  Nakagawa rin siya ng ilang serye sa Kapuso Network at kasama na rito ang “Amaya,” “Anna Karenina,” “Nino,” “Buena Familia” at “Dear Uge”.  Nagkaroon din siya ng pagkakataon na sumailalim ng K-Pop training sa Korea.
    
Nakita ng Viva ang kanyang potential hindi lamang sa pag-arte at pagsayaw kundi maging sa pagkanta dahil isa na rin siyang recording artist ng Viva Records. Nakapag-record na siya ng ilang songs tulad ng “Balang Araw,” “Isang Tingin” at “Tumalon”.

Hindi ikinakaila ni Julian na hindi lamang siya nag-enjoy doing “Squad Goals #FBOIS” kundi naka-gain pa siya ng bagong mga kaibigan at kabarkada sa pamamagitan nina Vitto, Andrew, Jack at Dan.

VITTO MULA SA ISANG SHOWBIZ ROYALTY

SAMANTALA, taong 2016 nang mapabilang si Vitto Marquez sa sikat na boy group na “Hashtag”  ng noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.
    
Si Vitto ay nagmula sa showbiz royalty dahil anak siya ng estranged couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno at kapatid niya ang actress-beauty queen na si Winwyn Marquez at half siblings naman niya sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon at Jeremy Marquez.
    
While nagi-enjoy si Vitto sa pagsayaw at sa musika, hindi maikakaila na gusto rin niyang umarte. Debut movie niya ang upcoming movie ng Viva Flms, ang “Squad Goals@FBOIS.”

ANOTHER MUHLACH RISES

MULA rin sa isang showbiz  royalty si Andrew Muhlach. Nakatatandang kapatid niya ang original Pinoy heartthrob na si Aga Muhlach. Anak siya ni Cheng Muhlach, ang nakababatang kapatid ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at dating producer na si Alex Muhlach na ama ng dating child wonder na si Niño Muhlach (na ama naman ng bagong child wonder na si Alonzo Muhlach).
    
Kapatid din ni Andrew sina Arlene at AJ Muhlach.
    
Kahit pinasok na ni Andrew ang showbiz ay hindi naman siya nagpapabaya sa kanyang pag-aaral ng entrepreneurship sa San Beda College.
   
JAMES SUPORTADO SI JACK

KAPAG binabanggit ang pangalan ng Fil-Australian na si Jack Reid ay kadikit agad ito ng kanyang sikat na half-brother na si James Reid.
    
Born and raised in Australia, hindi ikinakaila ni Jack na malaki ang naging impluwensiya sa kanya ni James.
    
Although gusto ni Jack na makilala siya on his own merits, napaka-supportive umano sa kanya ni James.

FIL-GERMAN DAN HAS NEW PASSION

NANG makita namin in person ang Fil-German young actor na si Dan Hushcka ay agad naming naalaala ang Fil-British ex-PBB housemate at ka-loveteam ni Maymay Entrada na si Edward Barber who was born and raised in Germany.
    
Si Dan ay naging member ng boy group na Sugar High in 2013 when he was 14.  Ang singing ay isa sa kanyang early passion kaya siya nag-decide na mag-join sa showbiz sa tulong ng Viva Artists Agency kung saan siya nakatagpo ng maraming kaibigan at kasama na rito ang kanyang mga co-stars sa pelikulang “Squad Goals #FBOIS.”