4,996 guests

Picture nina Isabel, Geryk at anak na si Hubert, ipinatanggal sa burol

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 613
Geryk & Isabel Geryk & Isabel

Aminado ang ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas a.k.a. Geryk Genasky na dumadaan siya sa napakahirap na kalagayan ngayon hindi lamang dahil sa pagpanaw ng kanyang dating asawa kundi pati na rin sa kumplikadong sitwasyong hinaharap niya gabi-gabi sa lamay ni Isa.

Hindi madali para sa kanya na pumunta sa lamay dahil alam naman ng lahat na may bago nang asawa si Isabel ngayon na si Arnel Cowley pero alang-alang kay Isa, tinitiis daw niya lahat ito at pinipilit niyang huwag magpaapekto.

Nakausap namin si Geryk sa ikalawang gabi ng lamay ni Isabel noong Biyernes sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills at makailang beses na nakita naming pinipigilan niyang maiyak dahil sa bigat ng emosyong dinadala niya.

“Parang naulit po ’yung unang sakit na naramdaman po namin noong unang nawala sa amin si Isabel,” simula ni Jerico na ang tinutukoy ay noong maghiwalay sila ni Isa.

“At ngayon, ang mahirap naman na sitwasyon is dealing this funeral or wake with of course, Isabel’s partner. Marami pong nagiging samut-saring reaksyon, meron pong negatibo sa akin, meron pong negatibo rin sa kanya.”

Alam ng lahat na may isang anak sina Jericho at Isa -- si Hubert who is now 14 years old na siyempre ay kasama niya gabi-gabi sa lamay.
    
Habang si Arnel naman ay naroroon din gabi-gabi of course kasama naman ang dalawang anak nito sa unang asawa.
    
Geryk cited an incident kung saan ay nagdala si Hubert ng old pictures with his mom at siyempre, kasama rin sa larawan si Geryk.
    
“Magkakasama kami (sa picture), dinispley po niya (ni Hubert), pero para wala raw pong issue, pinatanggal,” kwento ni Geryk.
    
Nilinaw naman niya na hindi si Arnel ang nagpatanggal kungdi ang ibang mga kaibigan na ayaw na niyang sabihin kung sino.
    
“There are people that are here na gumigitna po sa amin. Actually, nakikiusap po kami, sinabi ko, may mga bagay na hindi namin makikita.  Ako po kasi, I’m very open-minded, ayoko pong may mao-offend.
    
“Kaya minsan, nakaupo na lang ako do’n sa gilid. Ngayon, tatawagin ako lahat ng aking mga kamag-anak at of course, si Hubert, ‘halika dito,’ sabi, ‘humarap ka sa mga tao.’ Kasi iniintindi ko po si Arnel.”
    
Aminado rin ang ex-husband ni Isa na ngayon niya nare-realize na napakasakit pala na malagay sa ganitong sitwasyon.
    
“Masakit pala, sa totoo lang. Na ’yung mga tao, dati mong kilala, yayakapin ’yung...  isa,” sambit ni Geryk na tila pinipigilang maiyak.
    
“Nakikita mo ’yun, masakit po ’yun. Masakit po pala, sobrang sakit,” he said.
    
Sabihin mang huli na pero napakalaki raw ng panghihinayang niya sa kinahantungan ng relasyon nila ni Isabel.
    
“Tinext ko na rin actually ang mga spiritual mentor ko, tinatanong ko, bakit ngayon, parang merong mga pagsisisi. Kasi noon, nakita ko, talagang ginawa ko ang lahat pero ngayon, parang... sayang. May panghihinayang po of course, hindi ko naman itatago na meron ding ganu’n, pero babalik ka na naman sa nakaraan.
    
“’Yung mga effort din po naman na ginawa ko at sa lahat ng nangyari sa amin, eh, kumbaga, ako may kasalanan,” ang lahad ni Geryk.
    
Ngayong wala na si Isabel, life has to go on para kay Geryk lalung-lalo na sa anak nilang si Hubert at sa ina ng aktres na si Mommy Gwapa na siyang pinaka-nasasaktan ngayon sa biglaang pagpanaw ng kanyang kaisa-isang anak.
    
Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel, ngayong araw, Sunday. Paalam, Isabel. You will always be remembered.

* * *

Tiyak na matutuwa ang ElNella fans dahil balik-telebisyon na ang kanilang idolong sina Elmo Magalona at Janella Salvador. Sila ang mapapanood sa bagong episode Wansapanataym simula ngayong Sunday, Nov. 12.
    
Sa episode na pinamagatang Jasmin’s Flower Powers, tunghayan ang pag-uumpisa ng kwento ni Jasmin (Janella), isang dalagang ulila na nahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) matapos mamatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).
    
Magdadala naman ng kasiyahan kay Jasmin si Thor (Elmo), ang customer ng kanilang flower farm na kanya ring kasintahan. Ngunit paghihiwalayin sila ng ina ng binata at pilit na tatakutin upang hindi ituloy ang kanilang pagmamahalan.
    
Isang flower fairy ang magpapakita kay Jasmin at malalaman nilang hindi pa pala patay ang magulang kundi isinumpa lang at nakakulong sa loob ng isang mahiwagang bulaklak.
    
Kaya naman iikot din ang kwento kung paano maliligtas ng magkapatid na Jasmin at Daisy ang kanilang magulang.
    
Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers sina Rufa Mae Quinto, Francis Magundayao, Rommel Padilla, Almira Muhlach, Lui Villaruz, Bernadette Allison, John Medina, Neil Coleta, Arlene Muhlach at Jai Agpangan.