5,204 guests

Pia bilang judge sa Miss U, magiging patas kay Rachel

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 516
Pia Wurtzbach Pia Wurtzbach

SASABAK na rin sa pelikula si Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach.

Isa siya sa mga bida sa pelikulang "The Revengers Squad" kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla.  Kaya magiging busy siya sa promo ng kanilang movie entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Pero bago ‘yan, uupo muna siya bilang isa sa mga telecast judge sa grand coronation night ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas ngayong November 26 (November 27 for its Philippine broadcast). Hopefully, her role will not jeopardize the performance of our own bet Rachel Peters. Dahil dito, kaagad nang ipinahayag ni Pia na hindi siya magiging biased. Sabi nga niya, destiny ang pagiging Miss Universe.

Pagbalik niya sa Pinas, tiyak na kaliwa't kanan naman ang kanyang gagawin para i-promote ang kanilang pelikula. Kung na-conquer niya ang buong universe noong 2015, magiging box office queen naman kaya siya ngayon sa MMFF 2017? Just asking...

VICE, BELOW-THE-BELT NA ANG BIRO KAY JHONG?

ISA si Jhong Hilario sa mga nagpapasaya sa madlang pipol.
    
Iba ang banat niya sa comedy dahil natural. Sa totoo lang, mas nakakatawa pa siya kay Vhong Navarro na mas kilala sa pagiging komedyante. Lalo na 'pag inaasar siya ni Vice Ganda sa kanilang show na "It's Showtime."
    
Magaling siyang sumalo sa mga banat ni Vice. Palibhasa kasi wittty. Hindi naman siya magiging Councilor ng Makati kung 'di siya matalino. Buti na lang hindi siya napipikon sa mga biro sa kanya ni Vice; na madalas ay mga below the belt na. Patunay lamang kung gaano na kalalim ang kanilang pagkakaibigan.
    
Ngayon, nagagamit niya ang kanyang comic skills sa kanyang vlog na patok na patok ang kanyang pag-i-Ingles. Aminado siya na hindi naman niya siniseryoso ito para maging top vlogger. Clearly, he does it for fun.
    
Pero kung patok ang asaran nila sa "It's Showtime," bakit hindi sinasama ni Vice si Jhong sa kanyang mga pelikula? Just asking...

Disclaimer:
    
Sadiwa ng  malayang pamamahayag, Malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para  sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayanlamangs a Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.